×××Nathan's P.O.V
"I'll let you go, and I'll even ensure your safety from those bloodsuckers. Just promise me this: keep your mouth shut about everything you've seen and heard involving us, the 'Cosa Nostra.' What you see, or hear, just leave it here."
Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga.
"Fine. Akin na muna ang SD card ko," seryosong saad ko na ikinangiti niya.
"Madali lang naman akong kausap," sagot niya na inilabas ang maliit na card na binanggit ko na kinuha niya mismo sa bulsa sa loob ng coat niya.
Pagkahablot ko ay agad na rin akong umalis bitbit ang bag ko.
"Remember our deal," pahabol pa niya pero hindi na ako sumagot ni kahit lumingon sa kaniya.
Nakakabanas! Tsk. Sinong niloko niya? Akala niya siguro magpapauto ako. Nasa akin ang ebidensya. Hawak ko pa rin. Mabuti nga, eh. Binalik pa niya. Isa namang uto-uto!
Kaya sa ayaw at sa gusto niya, gagamitin ko pa rin ang mga litrato't video na nakunan ko. Trabaho ko 'to kaya dapat lang na panindigan ko kahit na itaya ko pa ang buhay ko.
At saka, hinding hindi na ako magpapahuli pa sa kanya. Tss. Hindi ako magpapaloko sa kaniya. Sinabi niya lang na po-protektahan niya ako para lang makuha ang loob ko at hindi madungisan ang pangalan at grupo nila.
Pero hindi ako magpapadala sa kaniya.
Pagkabukas ko ng pinto sa tinutuluyan kong apartment---!
"NATHAAAAAAANNNN!!!"
Hindi pa man ako nakakatapak sa loob ay bigla na lang akong sinalubong ng yakap ni Sierra. Muntik na nga rin akong matumba dahil sa gulat.
Teka, umiiyak ba siya?
"Akala ko may nangyari na sa iyong masama! Sobra akong nag-alala sa iyo! Sabi ko naman kase na huwag ka na lang tumuloy, eh!" Naiiyak na sigaw niya na ikinatawa ko dahilan para kumalas din agad siya sa pagkakayakap at mahinang sinampal ako.
"Aray! Bakit ka nananampal diyan?" Natatawang tanong ko na hinaplos ang kaliwang pisngi ko.
"Para masiguro ko kung totoo ka. Baka kaluluwa ka na lang na bumalik," saad naman niya habang pinupunasan kuno ang luha niya.
Psh. Wala namang tumulo.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit ngayon ka lang bumalik?" Tanong niya kaya napa-kuwento ako nang wala sa oras.
Hindi rin naiwasang makatanggap ako ng sabunot at sapak mula sa kaniya. Haha. Pinag-alala ko daw kasi siya.
"Mabuti nga, eh, hindi ako sinaktan ng Lincoln na yun. Dahil kung hindi---"
"Dahil kung hindi--- ano? Sige, ituloy mo, baka ako pa mismo ang papatay sa iyo!"
Natawa na lang ako sa sinabi niya hababg iiling-iling.
"Sorry na, 'to naman. Pasalamat ka na lang na buhay akong bumalik."
"Teka nga lang, may nabanggit ka pala sa aking bampira kanina. Totoo ba iyon o gumagawa ka lang ng kwento?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Totoo ang sinabi ko. Kung hindi nga dahil sa mga kasama ni Lincoln, baka nakagat na ako ng lalaking bampirang iyon."
"Kase .. "
Natigilan ako nang bigla siyang napaisip.
"Kase may napanood ako sa TV kagabi. May natagpuan daw silang bangkay ng babae sa gilid ng kalsada sa kabilang bayan. Ayon sa autopsy report, may nakita raw silang kagat sa leeg at parang may sumipsip sa dugo niya. Ayaw ko nga sanang maniwala kaso iyon yung balita. At saka wala pa namang sapat na ebidensya, pero ang konklusyon nila, parang bampira rin daw ang may gawa," mahabang saad niya.
BINABASA MO ANG
The Deadlock - Short Story [COMPLETED]
Diversos[INE-EDIT KO PA] 'The deadlock is starting again.' ... I run the risk of meeting two different types of people because of my job, each of whom has lured me into their own hellish traps. In the name of love, hell that starts to reveal the truth about...