×××Nathan's P.O.V
Shit!
Baka magkahilahan na sila sa kamay ko. Takot ko na lang na baka mahugot ang magkabilang braso ko sa katawan. Pareho pa naman silang malakas. At nakakatakot!
"Mas mabuti kung bumitaw ka na lang," rinig kong saad ulit ni Vladimir kay Lincoln kaya napalingon ako sa kaniya.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Ikaw ang dapat na bumitaw kung ayaw mong pasabugin ko 'yang ulo mo," banta naman ni Lincoln na ikinalingon ko rin sa kaniya.
"Pinagbabantaan mo ba ako?"
Naman! Hindi ba sila titigil? Gusto ko nang umuwi!
BANG!
"AH!" Napapikit ako at gustong takpan ang tenga---pero hindi ko magawa--- nang biglang kalabitin ni Lincoln ang baril niya.
Tang'na! Ang lakas nun! Sa tabi ko pa mismo! Paano na lang kung tamaan ako?
Ramdam kong napabitaw si Vladimir sa kaliwang kamay ko at narinig ang mahina niyang pagdaing. H-Hindi kaya---
Napunta sa kaniya ang tingin ko dahilan para mapanlakhan ako ng mata.
Fvck! May tama siya!
Napaluhod rin siya habang takip-takip ang kaliwa niyang braso na may dumadaloy nang dugo.
"Halika na," rinig kong sambit ni Lincoln habang hila-hila pa rin ang kamay ko.
"Ayokong sumama sa iyo!" Sigaw ko habang binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Tch."
"Ah!" Sigaw ko bigla nang buhatin niya ako na parang sako at isinampay sa balikat niya.
"Ano ba? Ibaba mo ako! Lincoln, ano ba?" Sunod-sunod na sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig kaya hinampas ko ang likod niya nang malakas. Tang'na, parang pader ang likod niya. Hindi man lang yata niya naramdaman ang ginawa ko.
"Hahayaan kita ngayon. Pagbibigyan muna kita sa kaniya. Ako ang susunod. Tandaan mo 'yan," narinig kong wika ni Vladimir na nagpakunot ng noo ko.
"Hindi iyon mangyayari. Hindi ko hahayaan na may madamay na naman sa kasamaan ninyong mga nilalang."
"Hoy! Ano ba? Sabi ng ibaba mo ako, eh! Ayokong sumama sa iyo!" Pilit pa ring sigaw ko pero ramdam kong tumalikod na siya at humakbang na paalis. Ay, buwiset!
Nagpumiglas ako lalo pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa binti ko.
"Saan mo ako dadalhin, ha? Ayokong bumalik sa bahay mo!"
"Tumahimik ka kung ayaw mong bitawan kita rito."
Sira-ulo 'to! "Mas gugustuhin ko pang mahulog kaysa sa sumama sa 'yo!" Sigaw ko pero hindi ko na siya narinig pang sumagot.
Nakita kong nakaupo pa rin si Vladimir sa kalsada hawak-hawak ang braso niya na dinaplisan ng bala kanina.
Kinabahan ako bigla nang makitang nakatitig na pala siya sa akin. Nandidilim ang mga mata niyang nakapukol sa gawi ko. Hanggang sa may sumilay na ring ngisi sa mga labi niya dahilan para mapalunok ako ng sarili kong laway.
Pero imbes na matakot ay parang nagka-ideya pa ako. Wala sa sariling napangiti dahil sa biglang pumasok sa isip ko.
Sakto, nakasuot pala sa akin ang camera ko. Kukunan ko na lang siya ng litrato.
Click!
Click!
Nice. May ipapakita na akong ebidensya na magpapatunay na may nakita nga akong bampira. Hindi lang nakita, mas grabe pa dun!
BINABASA MO ANG
The Deadlock - Short Story [COMPLETED]
De Todo[INE-EDIT KO PA] 'The deadlock is starting again.' ... I run the risk of meeting two different types of people because of my job, each of whom has lured me into their own hellish traps. In the name of love, hell that starts to reveal the truth about...