Chapter 1

3.1K 32 0
                                    



Ivy

"KAKAIN na!" sigaw ni Mom.

"Opo Mom! Wait lang po," sagot ko kay Mom, lumabas na ako ng kwarto at dinaanan ko muna ang kwarto ni Nam, Nikita Aphrodite Montello, siya ang bunso sa aming mag kakapatid actually.

Kumatok ako at binuksan ang pinto niya ng kaunti, nakita ko naman na nagbabasa siya ng libro.

"Nam, let's go downstairs, kakain na daw and I know parating na din si Kuya Ian," pag kasabi ko nun nagmamadaling bumaba si Nam kasama ko. Pag nabanggit si Kuya Ian ay excited siya, she really miss Kuya, naging busy si Kuya ng namatay si Hiraya, ang babae na minahal niya simula pag kabata. Nilulunod niya yung sarili niya sa trabaho. 

Siya ang CEO ng Montello Super Cars at Co-Owner ng Geronimo Hospital, which is ako ang Owner ng hospital namin, kaso hindi ko ma-handle dahil sa sobrang daming gawain sa company kaya siya muna ang nag ha-handle.

While Kuya Ken ang pangalawa sa amin, Kendric Aziel Montello, kasal na kay Bless, at may anak na isa, tita na ako ganun yun. Kuya Ken is the CEO of Montello Companies, hotels, resorts, and restaurants.

Agad ako umupo sa tabi ni Nam nang makarating kami sa dining room.

"Busy pa ang Dad niyo bukas daw siya makakauwi," sabi ni Mom.

"It's okay Mom, we understand tsaka nag lalaan naman ng time si Dad sa amin eh. We know na pag ganito ay importante na ang ginagawa nun," sabi ko at nakipag kulitan kay Nam.

Nakita ko naman na pumasok na si Kuya Ian at yung ungas na kaibigan niyang si Calix. May pag kasingkit si Calix, maputi, palangiti, tapos medyo kulot buhok, basta yung sakto lang. Deep brown pa ang mata.

"Hello po Tita!" bati ni Calix kay Mom.

"Oh Calix sumama ka na sa amin kumain ha?" sabi ni Mom kaya tumango siya.

Nakita ko na babaling siya ng tingin dito kaya tinuon ko na ang buong pansin ko kay Nam.

"Hi Nam, kamusta?" masayang bati niya kay Nam.

"Okay lang po kuya mas gumaganda!" tuwang sabi ni Nam.

"Hi bibe!" bati niya sa'kin kaya bumaling ako sa kaniya na may mukhang nauumay.

"Yuck! Bibe your face!" maarteng sabi ko sa kaniya, kaya nag pout siya,. Narinig ko naman ang hagikgik ni Nam kaya bumaling ako sa kaniya at inikutan siya ng mata.

"Hi Kuya!" bati namin ni Nam, ngunit si kuya tinanguan lang kami. Nasanay na kami for the past years.

Pagkatapos naming kumain ay agad na bumalik si Nam sa kwarto niya. Magbabasa siguro. Ako naman ay pumunta sa sala at tinawagan ang boyfriend ko.

"Hey babe!" bati ko sa kaniya.

"Hi Babe, sorry I'm busy, bakit ka napatawag?" nahihirapang tanong ni Kayden, my boyfriend.

"I just want to talk to you, bakit parang hirap kang magsalita? What are you doing?" tanong ko.

"Later babe! I-I'm busy, bye!" nagmamadaling sabi niya at agad pinatay ang tawag. Padabog kong nilagay sa cellphone sa mesa. Lately ganyan na siya, always busy. Hindi ko naman kasi maka bonding ang bessy ko kasi may business daw siyang inaasikaso hay nako...

"Sabi ko sa'yo ako na lang eh," biglang sulpot ni Calix, kaya nagulat ako ng onti.

"Will you shut up? I have a boyfriend, just so you know?" sabi ko sa kaniya at tinarayan siya.

"Manloloko naman jowa mo," mahina niyang bulong kaya hindi ko narinig.

"What did you just say?" tanong ko sa kaniya.

"Ang sabi ko, ako na lang kasi lagi ako magkaka oras sa'yo promise!" ngumingiti ngiting sabi niya pero hindi ko siya pinansin at umakyat na ng kwarto para magbihis.

Pagbaba ko ay nakita ko siyang nandoon pero nilagpasan ko siya.

"Where are you going?" tanong niya.

"Tell everyone that I'm going to the café, I'm bored," sabi ko at agad sumakay ng sasakyan at pinaharurot ito.

Matagal na pumoporma si Calix pero hindi ko siya pinapansin kasi may jowa ako at mahal ko yun kaya hindi ako manloloko kasi ayaw ko gawin sa akin yun. Ang may ari ng pupuntahan ko ay kay Tita Evelyn, which is Mom ni Bless na asawa ni Kuya Ken at may ari din nun ay magulang ni Hiraya yung babaeng mahal ni kuya Ian.

I'm gonna introduce muna, I'm Priscilla Ivy Montello, twenty-one year old, CEO of Geronimo Companies and Owner of Geronimo Hospitals. Company ni Mom na ipinamana sa'kin, Alisha Amora Geronimo-Montello, that's my Mom. Pangatlo ako sa amin, panganay si Kuya Ian Oliver Montello, sunod si Kuya Kendric Aziel Montello,  sunod ako, and ang bunso ay si Nam, Nikita Aphrodite Montello, she's seventeen years old.

Pag dating ko sa café ay agad akong bumaba at pumasok. Nakita ko naman si tita Evelyn sa counter kaya lumapit ako.

"Hi Tita Evelyn!" masigla kong bati.

"Andito ka pala Ivy, bakit ka napunta dito," tanong niya sakin.

"Bored lang po, and nandiyan po ba si Kendra? I want to go shopping po kasi," sabi ko, tumango naman siya at tinuro yung staff room kaya pumasok ako.

Pag pasok ko ay nakita ko si Bless at Kuya Ken na nag uusap.

"Hey! Sorry sa abala, but can I borrow your daughter? I want to go shopping with Kendra, I'm really bored!" paawa kong sabi at nag pout pa, I know it's disgusting but I need to do that to convince my brother.

"Basta ibalik mo siya dito before six okay?" sabi niya kaya nag okay agad ako habang papalapit kay Kendra.

"Do you want to go shopping with Tita Ivy?" masigla kong tanong, nakita ko naman na ngumingiting pumalakpak si Kendra.

"I'd love to Tita Ivy!" sabi niya at tumayo nadin sabay kapit sa kamay ko.

"Bye guys!" tuwa kong sabi.

"Bye, take care of her!" sabi ni Kuya Ken.

"I will!" sagot ko.

"Bye Mommy, Bye Daddy!" sabi ni Kendra saknaila at tuluyan na kaming lumabas ng staff room.

"Hi Tita, shopping lang po kami ni Kendra," sabi ko kay Tita Evelyn na ngayo'y gumagawa ng black coffee.

"'O sige ingat kayo ha?" paalala niya kaya tumango ako at lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan. Nasa passenger seat siya, kinabit ko na ang seatbelt ko at kay Kendra saka pinaandar ang sasakyan.

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon