Chapter 28

1K 18 0
                                    



Naalipungatan ako dahil may naririnig akong iyak, sino ba yun? Ang aga ang ingay huhu. Ang sakit pa ng katawan ko eh natulog lang ako. Hindi pa rin tumitigil yung iyak kaya umupo na sa kama, sh*t! ang sakit ng baba ko!



Dun ako nagising sa katotohanan, naalala ko kagabi ano ba naman yan! Tiningnan ko si Calix na nasa gilid ko nakayakap sa tiyan ko.



"Mommy!" umiiyak na sabi ng kung sino sa labas, sh*t yung anak ko!



Agad akong bumaba sa kama kahit ansakit ng baba ko, agad ako ng damit saka tinungo ang pintuan, pagbukas ko ay nakita ko ang anak ko na nakasalampak sa sahig kaya sinara ko agad ang pinto at binuhat siya.



"Mommy!" umiiyak niyang sabi sakin at niyakap ako sa leeg.



"Why are you crying this early baby?" malambing kong sabi, saka ko hinaplos ang buhok niya.



"Hindi ko po kayo mahanap, ayaw bukas ng pinto" sumisinghot na sabi niya. Pababa na kami ng hagdanan, tumahan naman na siya agad. Iyakin itong anak ko lalo na't pag hindi niya alam na umalis ka ganun or anything kaya dapat lahat sasabihin sakaniya.



"Are you hungry baby?" tanong ko sakaniya agad naman siya tumango tango. Pumunta kami sa kusina at nagluto na ako ng pancake saka ko siya ginawan ng gatas.



"Baby, eat here maliligo lang ako ha" sabi ko at hinalikan ko siya sa noo. Naligo na ako sa guest room meron din naman ako damit duon.



Agad ulit ako bumaba ata nakita kong hindi pa siya tapos kaya sinabayan ko siya sa pag kain. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na muna sa sala si Grace saka ako naghugas ng plato.



"Sh*t!f*ck!IVY! W-where are you?!" sigaw galing sa sala. Anong nang yayari?! Pagkatapos kong mag hugas ay agad ko pinunasan ang kamay ko saka pumunta sa sala. Nakita ko na nakatingala si Grace kay Calix, pasalamat ko sa isip ko na nakadamit naman kaso napakagulo ng buhok niya.



"Hey mister! Why are you here? And why are you crying po? And also bakit mo po hinahanap si mommy?" malambing na tanong ni Grace, as always matanong siya.




"A-ahm.. hey kiddo w-where's your mommy?" tanong ni Calix kay Grace saka siya lumuhod para magpantay sila. Nakatalikod sakin si Calix. Sumandal muna ako sa hamba para pagmasdan sila. Hawig ng anak ko ang mata ni Calix at pag uugali, masayahin si Grace pero madali din umiyak.



"Mister! First, don't cry po...mommy told me na wag umiyak kasi I will look ugly na" sabi ni Grace saka pinunasan ang pisngi ni Calix saka siya niyakap sa leeg ni Grace.

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon