Chapter 18

1K 27 0
                                    


KINABUKASAN ay ginising ko na agad ang prinsesa ko at binihisan siya ng pink dress. Nasa private airplane na kami, pagmamay ari ito ng mga Montello, ang pamilya ko. Pinagmasdan ko ang mukha ng anak kong natutulog ngayon sa tabi ko. Nakuha ng anak ko ang mukha niya sa'kin ngunit ang mata ay hindi. Kulay tsokolate ang mata niya na nakuha niya kay Calix, at ang mata ko ay kulay asul.

Nakatulog din agad ako dahil napakaaga naming bumyahe. Kung sa normal flight ay nasa fourteen hours ang aabutin kami ay ten hours lang. Masyado mabilis ang plane namin. Umalis kami sa UK ng three ng umaga, ngayon ay ala-una medya na.

"Baby? Wake up, we're here na sa Philippines, we need to go na sa airport," sabi ko at tinapik tapik ito ng marahan. Gumising din ito agad at yumakap sa leeg ko, kaya binuhat ko na ito pati ang sling bag ko tsaka bumaba ng plane.

Na miss ko ang hangin sa Pilipinas after how many years. Naglakad na kami papasok sa airport at nakasunod sa'kin ang bodyguards na may hawak ng gamit namin.

Palabas na kami ng airport at sinalubong kami ng bodyguards nila Mom. Ayaw ko yung ganito dahil agaw pansin, I hate attentions.

Agad akong sumakay sa sasakyan at pinatulog na muna ulit si Grace. Tinanaw ko ang labas at masasabi kong madaming nagbago sa paligid. Mas dumami ang mga buildings at kung ano ano pa. Hindi naman matagal ang byahe dahil hindi naman sobrang layo ng airport sa Hacienda. Doon muna kami tutuloy at bukas hahanap ako ng mansion para may sarili kaming bahay ni Grace.

Kakatigil lang ng sasakyan sa harap ng mansion at hindi pa rin kumukupas ang ganda. Halatang ka re-renovate lang ng labas. Binuhat ko na si Grace dahil hanggang ngayon tulog na tulog. Napagod ata sa byahe.

Binuksan ko ang pinto nang kotse at binuhat na si Grace at tumingin sa paligid.

"Ma'am Ivy!" masayang tawag sa'kin ng mga maids. Nginitian ko naman sila at tinanguan. Hindi ko sila ma entertain dahil buhat ko ang anak ko.

"Ma'am kaynino po bata iyan? Napakaganda, nasa sala na po pala ang buong pamilya niyo Ma'am," ngiting sabi nito sa'kin.

"Anak ko," tanging sabi ko at iniwan itong nakanganga. Pumasok na ako sa bahay, narinig ko naman na may nag babangayan sa sala kaya naman pumunta ako doon.

Nakatalikod sila sa'kin at masyadong na eentertain sa kambal na naka nila Eliza. Paano ko nalaman na ito sila? Wala naman nang ibang bata sa mansion maliban sa anak ko. Nakangiti ko silang pinagmamasadan. Sumandal ako sa pader at tiningnan sila.

Hindi pa rin nila ako napapansin kaya nagsalita na ako.

"Why so ingay ba?" maarte kong tanong, wala trip ko yung ganyan na salta kabataang ako 'yun eh miss ko lang. Dahil doon ay napalingon sila sa akin.

"Ivy!" sigaw nila, agad naman lumapit si Mom sa'kin at niyakap akong mahigpit.

"Anak ko! Napakaganda mo! Miss na miss kita!" naluluhang sabi ni Mom. Napaka emosyonal niya talaga.

"Ate ko!" sigaw ni Nam. Agad ko siya niyakap ng mahigpit, magkasing tangkad na kami ngayon, napaka matured na niyang tingnan talaga, napaka ganda at may hubog ang katawan niya dinaig ata ako ah..

"Princess!" tawag sa akin ng mga kuya ko. Yinakap niya akong dalawa at ginulo ang buhok ko.

"Not the hair kuya!" angal ko kaya tinawanan nila ako.

"Hey guys! This is my daughter, Elizabeth Grace, tulog pa ngayon kaya mamaya na sana pahigain ko na muna baba din agad ako ha?" sabi ko sa kanila, dumiretso muna ako sa sarili kong kwarto. Pagbukas ko ay ganon pa din ang kwarto ko, halatang pinalinis ito bago ako dumating. Hiniga ko muna si Grace sa kama ko at kumuha ako sa maleta ng partner na tops and panjama tsaka ko siya binihisan. Agad din ako nagbihis at bumaba.

"Ito na ba si Kendra? Ang laki mo na ha!" sabi ko kay Kendra.

"Yes po tita Ivy!" ngiti niyang sabi.

"Hindi pa din kumupas ang ganda mo kahit nagkaanak ka ,na ha" sabi sa'kin ni Bless na pinag sang ayunan ni Eliza.

Madami pa kaming napag usapan at nakipaglaro din ako sa mga bata.

"Mommy?" tawag sa'kin ni Grace na nasa hagdan ngayon nagpupunas ng mata. Agad ko ito binuhat at hinalikan sa pisngi.

"Gising na pala ang baby ko, nag toothbrush ka na?" tumango naman ito, bata palang pero alam na ang dapat gawin. Agad ko siya dinala sa sala at nakipaglaro din ito sa mga pinsan niya.

Napalingon naman ako kay kuya Ian ng mapansin ko na may kausap siya sa phone.

"Yes, dalin mo dito ang papeles" sabi ni kuya sa kausap nito at binaba na din ang tawag.

"Kumain na muna tayo ha, nagluto ako ng merienda, let's go," aya ni Mom kaya nag sitayuan na kami. Ang mga bata ay nag unahan na kasama na si Kendra.

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon