Chapter 2

1.4K 23 0
                                    



PAGKATAPOS naming mag shopping ay hinatid ko na si Kendra sa café kasi kailangan ko na 'din umuwi sa hacienda. Pag pasok ko ng hacienda ay nakita ko nanaman itong makulit na lalake. Bakit hindi ito papuntahin ni Kuya sa Manila? Hindi yung nandito siya sa Pampanga.

"Uy Ivy! Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong niya.

"As If you care!" taray ko sa kaniya at naglakad papunta sa hagdan. Aakyat na sana ako sa hagdan ng magsalita siya.

"I always care for you Ivy, Why don't give me a chance?" tanong niya kaya napalingon ako sakaniya.

"I don't think so..." mahina kong sabi at tinaasan siya ng kilay. Kahit mahina ko iyong sinabi alam kong umabot iyon sa kaniya.

"Ate! Hatid mo ako bukas sa school ko?" tanong ni Nam, bigla na lang kasing sumulpot.

"Sige, hahatid kita," sabi ko tsaka ngumiti ako ng tipid. Umakyat na ako at naghilamos. Agad ako nahiga sa kama pag katapos kong mag bihis at nag open ng laptop. Chineck ko lahat ng kailangan sa kompanya at inayos iyon, pasalamat talaga ako kay Kuya Ian dahil kahit madami rin siyang hawak na business ay inako na rin niya ang sa hospitals. Nawala ang focus ko sa files ng tumawag sa'kin ang secretary ko.

"Ma'am bukas po kailangan na kailangan ka po sa opisina, kasi nagka problema po sa isang investor," sabi niya sa'kin.

"Okay tomorrow, I'll be there. Call for a meeting, okay?" utos ko.

"Yes Ma'am," sabi niya kaya pinatay ko na ang tawag at inayos ang files.

Napa hilot naman agad ako sa sentido ko, ang sakit ng ulo. Maghahating gabi na, hindi ko napansin kasi nakatutok lang ako buong gabi sa laptop. Nag stretch muna ako ng braso dahil nangawit na ako.

Bumaba ako ng kwarto para pumunta sa kusina, pagdating sa kusina ay binuksan ko agad ang ref, puro healthy foods ang nakikita ko which is good, nasa isang ref ang mga snacks, sweets, and chocolates. 

Kumuha ako ng gatas, nakakatulong kasi ito para madali akong makatulog lalo na pag stress, I think I'm abnormal, sabi kasi nila nakakapag pagising daw ng diwa ang kape pero ito ako mas nakakatulog pa. Pag kalagay ko ng gatas sa baso ay binalik ko na agad sa ref ang gatas, umupo muna ako sa stool para mapahinga muna ako kahit saglit bago matulog.

Nakagilid akong naka upo sa tool at pumikit muna. Napakaraming kailangan gawin sa opisina. Naalala ko pala, kailangan ko ihatid si Nam, ang kaso kailngan ko pumunta ng napakaaga sa opisina. Sorry Nam sa tingin ko hindi kita masasamahan bukas. 

Habang nag iisip ako ay nagulat ako ng may humila sa kaliwang braso ko kaya napatayo ako. Napamulat ako ng may naramdaman akong humalik sa'kin, laking gulat ko ng mas lalo ako nitong hapitin sa bewang.

Nang maka recover agad ko siya tinulak, amoy alak siya.

"What's your problem?!" mahina kong sigaw sa kaniya, pero hindi siya sumagot sa'kin, nanatili lang siyang nakatingin sakin.

Kinuha ko ang baso at nilagay na iyon sa lababo, tsaka ako humarap sa kaniya.

"You're unbelievable! You're drunk for f*ck sake Calix!" suway ko sa kaniya. "Tapos dito ka pa dumiretso. Kapag nalaman ni Kuya ito, he will surely kill you."

Nabwisit ako nang tumawa siya ng mahina at umiling iling. What is the problem of this guy!

"Ang manhid mo talaga eh noh," sabi niya sa'kin, so anong pinaparating nito.

"Diyaan ka na nga!" inis kong sabi sa kaniya, tsaka ako lumabas. Lalagpasan ko pa lang sana siya ng hilain nanaman niya ako at sinandal sa pader tsaka niya hinarang ang braso sa magkabila kong leeg.

"Nandito lang naman ako Ivy...bakit hindi na lang ako?" lumuluha niyang tanong sa akin.

"You know I love someone else..." sabi ko sa kaniya at nag iwas ng tingin dahil nakikita ko siya ngayong lumuluha. Hindi ako sanay na ganito siya. Nasanay ako sa masayahin at makulit na Calix.

"Ako na lang Ivy,mamahalin kita ng totoo," sabi niya.

"You're just drunk, Calix. You need to rest," mahinahon kong utos sa kaniya. Ngumiti naman itong tipid pero nandon pa din sa mata ang sakit. Inakay ko na lang siya papunta sa guest room at hiniga siya. Tumayo ako sa gilid niya at pumamewang.

"Iinom inom ka tapos hindi mo naman kaya, inaantok na nga ako ih!" bulong ko sa kaniya. Hinayaan ko na siya duong nakahiga at napag desisyunan ng lumabas. Bago lumabas ay narinig kong nagsalita si Calix, hindi ko alam bakit bumilis ang tibok ng puso ko.

"I love you.....Ivy," banggit niya, ngunit sinara ko na ang pinto at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko. Bakit ganito kabilis ang tibok nito? Hay nako, I'm gonna check my phone na lang.

Pagkahiga ko ay chineck ko ang phone ko if may message from my boyfriend, pero napakunot ako ng wala man lang kahit isa. Dati naman ay napaka clingy niya, always may chat or calls, pero ngayon bakit parang nanlamig siya sa akin.

Did I do something wrong? Baka nag o-overreacting lang ako. Busy lang talaga siguro siya like me, pero atleast ako nabibigyan ko siya ng time kahit napakadami kong ginagawa, I can still have a time for us. Message ko na lang siya.

"Hey babe! Still busy? Ngayon lang ako makakatulog kasi inasikaso ko pa ang files sa company, sleep well babe."

Agad ko nilagay sa bedside table ang cellphone, tsaka ko pinatay ang lampshade at natulog na.


--------------


Papasok na ako ng company.

"Goodmorning Ma'am Ivy, ang ganda niyo pa rin po!" bati sa'kin ng nasa front desk.

"Goodmorning too, thanks!" sabi ko at agad pumasok sa elevator. Agad ko pinindot ang floor kung saan ang mga Board Meeting. Hindi naman crowded sa loob ng elevator ng ganitong oras dahil sobrang aga pa.Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas nakita ko naman na naka abang na sa labas ng pintuan si Joy, My Secretary. Mahinhin, mabait, at napakaresponsable niya kaya nagtagal siya sakin, kapag nandito sa opisina boss niya ako, pero pag sa labas na magkaibigan kami. Yes, mataray ako pero sa dapat lang tarayan, in short mabait lang ako sa mabait.

"Ma'am, hinihintay ka na po nila," sabi niya tinanguan ko na siya at pumasok na sa room. Nag greetings muna at sinimulan din agad ang pag uusap.




Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon