Chapter 3

1.1K 22 0
                                    


Ivy

TANGHALI na nang matapos ang meeting, naayos na din ang problema na tagalan lang.

"Joy, let's eat!" aya ko sa secretary ko.

"Sige Ma'am," sagot niya tsaka kami bumaba sa cafeteria, kahit CEO ako dito gusto ko pa 'din na sa cafeteria kumakain imbis sa office ko kasi mag isa ako doon malungkot. Papasok na kami sa cafeteria ng may humarang sa amin.

"Hi bibe!" bati ni Calix, sino pa ba tumatawag sa akin ng ganyan.

"Do I look like a duck to you?" inis kong tanong.

"Hindi syempre, hindi ka naman mabiro eh," sabi niya kaya nilampasan ko siya at tuloy tuloy na pumasok sa cafeteria. Maraming bumati sa akin at ganun 'din ang ginawa ko. Nakasunod lang sa akin si Joy at si Calix. Nang maupo na ako kay umupo sa kanan ko si Calix at sa harap naming si Joy.

"Ma'am ako na oorder para sa'tin diyaan ka na lang po," sabi ni Joy kaya tumango ako sa kaniya.

Nakaka stress talaga ngayong araw. Ang daming problema buti na lang na ayos ko ngayon. Tapos yung boyfriend ko sobrang busy kaya wala akong mapaglabasan ng sama ng loob or ng mga rants ko tungkol sa araw ko.

"Mukhang puyat ka bibe ah, pahinga din pag may time," sabi niya kaya dumilat ako at tumingin sa kaniya.

"It's your fault too, makakatulog sana agad ako kung hindi ka nangulit ng lasing," sabi ko sa kaniya.

"Sorry kagabi, wag mo na isipin yung pinagsasasabi ko kagabi, lasing lang ako nun ha?" sabi niya sa akin, hindi ko alam kung bakit para akong na disappoint sa sinabi niya. May sakit akong naramdaman sa puso ko pero tumango na lang ako.

Kinuha ko na muna ang cellphone ko at chineck ang mga message pero seen lang ang natanggap ko sa boyfriend ko, really? Seen lang? he's not like this before. Hindi ko naman hinihingi ang lahat ng time niya pero sana nag reresponse siya sa mga messages ko. Tutal tapos na ang problema, I'm going to visit him sa condo niya, baka may sakit.

Tinago ko na sa bulsa ko ang cellphone ng nakita kong dumating na si Joy, kaya kumain na kami. Nagkwentuhan 'din kami about sa business, may company 'din itong si Calix, mga sasakyan naman kasi mahilig 'din ito, at nag iinvest 'din siya sa kompanya ko kaya minsan ay nandito siya sa building.

Oo bwisit siya kasi walang ginawa kundi bwisitin ako pero kung usapang investment iba na yun kasi sa business na iyon. Tsaka magandang kasama si Calix sa business.

After namin kumain ay pumunta na ako sa office at si Joy ay pumunta na sa front desk sa floor ko, habang itong isa...syempre sumusunod nanaman sa akin.

"Wala ka ba gagawin ngayong araw ha?" tanong ko habang papasok ng opisina hindi ko na nag abalang isara ang pinto kasi nakasunod siya.

"Wala naman, bakit date tayo?" mapang asar niyang tnaong.

"As if! I'm just asking kasi nandito ka sa company ko wala ka sa underground o kaya sa company mo, eh bakit hindi ka sumama kay Kuya Ian?" tanong ko.

"Wala naman problema sa company, 'saka gusto kita kasama. Yung kay boss naman eh kasama niya si Ken kaya dito muna ako" sabi niya sa'kin kaya tumango ako sa kaniya.

"Pwedeng dito ka na muna, may pupuntahan lang ako saglit," paki usap ko sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Basta, saglit lang ako promise, lilibre kita bukas lunch oh! Payag ka na," pamimilit ko sa kaniya.

"Sige sige, sabi mo 'yan ha! lilibre mo 'ko!" paninigurado niya.

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon