Chapter 24

1K 17 0
                                    



Amora's POV (Ivy's Mom)



"Anong nangyari sa anak ko Alexander?! Sabihin mo sakin!" sigaw ko sa asawa ko. Kanina lang ay napaka saya namin dahil nakapag tapos na ng highschool ang prinsesa namin. Nawala lahat yun ng tumunog ang alert system sa basement. Agad kami tumakbo dun at nakita namin na galing iyon kay Ivy.



"Alexander! Si Ivy! Puntahan niyo siya ngayun din! Ilagtas niyo siya!" sigaw ko sakanila. Agad naman sila umalis kasama ang dalawa kong lalakeng anak at ibang tauhan.



Nasa ospital ako ngayon at nasa emergency room daw ang anak ko.



"Anong nangyari kay Ivy? Tell me! Hindi ba kayo mag sasalita!" hindi ko na makontrol ang galit ko sa mga gumawa sa anak ko, anong Karapatan nila gawin iyon na aabot na nasa hospital ang prinsesa ko?!



"W-wife... calm down okay?" sabi sakin ni Alexander.



"Calm down?! Ayan ba ang gusto mo ha? kakalma lang ako kung maging okay na siya! Paano akong kakalma kung malaman kong nasa emergency room ang anak ko!" umiiyak kong sabi.



"Tell me what happen Ian Oliver!" tanong ko sa panganay kong anak. Alam niya na pag binanggit ko ang buong pangalan niya ay kailangan niya ako sundin.



"She was shot, sa puso saka sa ulo" sabi niya kaya napaluhod ako sa sahig. Anong kasalanan ni Ivy?! Bakit kailangan mangyari sakaniya ito! Bakit!



Hindi ko maatim na isipin na yung mabait, palaban, matalino, masunurin, at masayahin kong anak ay nag aagaw buhay ngayon. Ang sakit bilang ina na malaman mo na nasa ganung kalagayan ang anak mo. Para akong pinapatay ng dahan dahan.



"Sino ang may gawa nito!?" galit kong tanong.



"Napatay namin halos lahat ng andun, mga nabuhay ay ayaw mag salita" sabi ni Ken, ang pangalawa kong anak, tumango naman ako sakanila.



"Ako na ang bahala dun, magpahinga kana" sabi sakin ni Alexander.



----



Ilang buwan na nag nakalipas at ngayon lang nagising si Ivy, nasabi ng doctor na may selective amnesia si Ivy. May parte ng ala ala niya na makakalimutan niya, wag daw namin pilitin na maalala niya dahil baka mas lumala at baka tuluyan ng mawala ang ala ala niya. Kaya napag desisyunan namin na hindi nalang ipaalala sakaniya.



Nasa kwarto ngayon si Ivy at natutulog. Kailangan niya mag pahinga kahit na coma siya ng ilang months dahil muntik na sumuko si Ivy ng inooperahan siya, Salamat sa may kapal na hindi niya pinabayaan ang anak ko.



"Ma'am may bisita po kayo" sabi sakin ni Manang.



"Sige po, patuluyin mo po dito" sabi ko agad naman tumango si Manang at pumunta ulit sa pinto.



"Tita..." napaangat ako ng tingin at nakita ko duon si Ron.



"Ron?ikaw ba yan?" tuwa kong tanong, tumango naman siya, tumayo ako at niyakap siya.

"Umupo ka muna, Manang pakuhanan mo nga po kami ng merienda, salamat po" sabi ko at umupo na kami.



"Tita, kamusta na po kayo? Antagal ko po hindi nakabalik, sorry po dahil napaka busy lang po, college life po graduating na po kasi" sabi niya.



"Okay lang naman, madaming pagsubok na halos sumuko ako buti andyan ang pamilya ko" sabi ko sakaniya.



"S-si Ris p-po? Kamusta na po siya? Asan po siya? P-pwede ko po ba siya makita?" sunod sunod niyang sabi, bumuntong hininga ako at lumingon sakaniya.



"She's fine, natutulog siya kailangan niya mag palakas" sabi ko nakita ko ang pag kunot ng noo niya.



"P-po? Ano pong nangyari sakaniya?"tanong niya sakin.



"She was shot, may sumugod sakaniya noon at m-mag isa lang siya" sabi ko at naluluha pa ako dahil naaalala ko iyon, pero kinokontrol ko ang emosyon ko.



"Ang tapang niya... late na ng dumating ang ang mga Kuya niya at mga tauhan. Nakita nila na nabaril na sa dibdi si Ivy at nakaluhod sa gitna ng highway. Masyado na silang late, nabaril na nila sa ulo si Ivy.." nakita ko ang galit at ang mga luha ni Ron.



"Galit na galit ako sa gumawa nun kay Ivy, mabait naman siya wala namang kaaway si Ivy pero... bakit nangyari sakaniya yun. Sa gitna ng operasyon niya...huminto yung tibok ng puso niya buti naagapan agad ng doctor. Tumibok ulit ang puso niya. Na coma siya ng ilang buwan. Pag gising niya, nalaman namin na nagkaroon siya ng selective amnesia--, a-at isa ka sa nakalimutan niya, nakalimutan niya ang ala ala niyo. Bawal daw muna pilitin si Ivy maka alala dahil pag sumakit ang ulo niya baka mas lumala at permanente ng mawala ang ala alang iyon. Kaya sana wag mom una lapitan ang anak ko..alang alang sakaniya... delikado pa sakaniya iyon ngayon. Baka pag dating ng panahon pwede na wag lang ngayon Ron" pakiusap ko sakaniya. Ayaw kong mawala kay Ivy ang ala ala niya.



END OF FLASHBACK



"Ngayon medyo maaalala mo na ang ibang pangyayari sa nakaraan mo anak...mag pahinga ka muna dito lang kami sa tabi mo" sabi ko sa anak ko. Nakita ko na nakatulala siya at kusang humiga. Hinawakan ko sa kamay si Ivy inihiga ang ulo ko sa kama niya.



Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon. Bakit siya andito?...

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon