Chapter 11

828 20 0
                                    



SIMULA nung araw na may nangyari sa amin ay napalapit kami sa isa't isa at aaminin ko nahulog na ako sa kaniya, patuloy pa din siya manligaw, hindi niya alam na may nararamdaman na ako sa kaniya, natatakot ako sumugal sa pag ibig.

Nasa ospital kami ngayon at nasa operating room si Hiraya nandito kami lahat nakaabang at madaming bodyguard na nakakalat sa buong floor at sa buong paligid ng ospital.

Kinakalma ko sila Nam dahil abot ang kaba namin. Sinugod pala ng mga Parellio ang mansion ni Kuya ng wala siya at nandon lang ay bodyguards at si Hiraya.

Dumating din ang pamilyang Giovanno at napag alaman ko na si Hiraya ang totoong babaeng anak na nawawala ng mga Giovanno.

Ilang oras na ang nakalipas at lumabas na ang doctor. Sinabi niya okay ang lagay ni Hiraya pero tumigil daw ang pintig ng puso niya kaya parang naiiyak nanaman si Kuya Ian. Okay na daw ngayon pero hindi alam kung kailan gigising. Niyakap ko si kuya at hinagod ang likod niya.

Nandito na kami ngayon sa private room kung saan nakahiga si Hiraya. Bumibisita ako dito pag free time dahil inaasikaso ko din ang kompaniya, si Kuya Ian, Bless at kuya Ken ang naiiwan duon. Si kuya Ian never umalis sa tabi ni Hiraya.

NASA company ako ngayon at nandito sa sofa ng office ko si Ken nagkwekwento sa'kin about sa mafia. Ako naman ay minsan nagsasalita at tumatango, tinatapos ko na kasi ang lahat para makabisita sa ospital. Si Nam pumapasok sa school pero minsan sinasama ko siya sa akin.

"Bibisita ka ba sa ospital?" tanong bigla sa'kin ni Calix.

"Yes, I guess, tatapusin ko lang ito malapit naman na eh," sagot ko. Biglang nag ring ang phone niya kaya napaangat ako ng tingin.

"Sagutin ko lang ito ah," sabi niya kaya tumango ako lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ngumiti naman ako sa kaniya. Lumabas na siya sa office ko at ako nililigpit na ang mga papeles hapon pa lang.

Pumasok agad sa office si Calix pagkatayo ko.

"I have to go importante talaga ito ha," sabi niya.

"Sige you can go pupunta na din ako sa ospital." tumango naman ako, nakita ko siyang papaalis na may kausap pa rin sa phone.

"Sige Sam papunta na ako," ayan ang huli kong narinig bago siya makaalis.

Who's Sam?

Agad ko kinuha ang gamit ko at dumiretso agad sa ospital.

"Hi! Kuya pahinga ka naman oh babantayan ko si Hiraya," sabi ko kay kuya ng mabungaran ko. Nakita ko naman sa higaan na natutulog si Bless at Kendra, si Kuya Ken asa sofa nanonood sa TV.

"I'm okay, ayaw ko mawala sa tabi ni Hiraya," sabi niya wala ako magawa kundi tumango dahil wala naman akong laban dito kay Kuya Ian, ipipilit niya ang gusto niya eh.

This past few weeks ay laging ganoon ang eksena, pag may time pupunta ako sa ospital at babantayan din si Hiraya, tapos sa office finocus ko ang sarili ko sa trabaho dahil wala namang pag kakabusyhan. Si Calix simula nung may tumawag sa kaniya ay laging busy. Pag nagkakasama kami laging nasa phone may kausap tapos once a month ata kami nagkakakita sa bahay pa yun pag pinababantayan siya ni Kuya Ian. 2 months na ang nakalipas.

Nag call si kuya na nagising na daw si Hiraya kaya agad kami nag si punta sa ospital. Pagdating ko ay laking gulat ko ng andoon na lahat pati si Calix.

Nagkamustahan lahat at doon muna kami lahat nag stay tutal napaka lawak ng kwarto. Nagkwentuhan na din kami. Nabunyag na lahat ng sikreto ng mag usap, this time napag isipan ko na sabihin na ang feelings ko sa kaniya. Bukas na bukas sasabihin ko na agad.

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon