Chapter 7

757 17 0
                                    


"AY nga pala Mr. Thorno, wait!" sabi ko at tumayo, nakita ko naman siya na tumigil at lumingon sa'kin. Mapang akit naman akong ngumiti at naglakad papunta sa kaniya.

"Alam mo, hindi pa sapat iyon eh.." sabi ko at tumitig sa kaniya, lumapit ako sa tenga niya tsaka ako bumulong.

"Tanggalin mo na ang mga ininvest mo sa company ko, You need me, more than I need you, eh hindi ko na kailangan..." sabi ko at tumingin sa kaniya ng matalim. Tumalikod na ako at bumalik sa upuan.

"Joy!" sigaw ko kaya pumasok agad si Joy kasama si Calix.

"Yes Ma'am?"

"Samahan mo si Mr. Thorno palabas ng kompanyang ito, at wag na wag mo siyang papapasukin!" sabi ko kaya tumango siya at lumabas.

"Huwag namang ganito Ivy, maghihirap ako..." Pakiusap niya.



"Wala akong pake! Kung maghirap ka, deserve mo! At wala na akong kasalanan doon, kasalanan mo iyon dahil sa katangahan mo maraming nawala sa'yo! Isa na ako doon," sabi ko sa kaniya, puro galit na lang ang nararamdaman ko sa kaniya.

Nakita ko naman na kinaladkad na din siya ng guards.

"Are you okay?" tanong ni Calix sa akin kaya bumaling ako sa kaniya.

"Yes, I am," sabi ko sa kaniya. I'm really okay, hindi ako nagsisinungaling.

I realized, na mabubuhay naman ako ng wala siya bakit pa ako iiyak? I have my family, I have my pamangkin, I have my true friend, Joy, and also Calix.

Dumaan ang buong hapon ay puro ako trabaho at kwentuhan kasama si Calix at Joy.

"Ma'am Ivy?" tawag sa'kin ni Joy.

"Yes, Joy? Anong problema?"tanong ko.

"A-Ah eh Ma'am, mag le-leave muna sana ako hindi ko po alam kung ilang buwan," sabi ni Joy, nagulat ako sa sinabi niya. Bakit?

"Uuwi muna ako sa probinsya ma'am, namimiss ko na din ang nanay ko," sabi niya kaya naman naiintindihan ko siya, dahil maski ako na mimiss na ang magulang ko.

"Sige okay lang sa akin, kaibigan mo din ako Joy hindi mo lang ako boss," sabi ko iyon at niyakap ko siya.

"Ito, sweldo mo pang tatlong buwan kahit hindi ka pumasok, pasasalamat ko 'yan sa'yo, ikaw lang ang naging totoo kong kaibigan... kaya salamat sa iyo," sabi ko sa kaniya.

"Naku Ma'am hindi ko ito matatanggap, sobra sobra na po ito," sabi niya sa akin at binabalik ang sobre.

"Joy, magtatampo ako pag hindi mo tinanggap, I won't talk to you anymore, sige," panakot ko sa kaniya.

"Ivy naman, alam mo talaga hindi kita mahindian pag ganyan ha," sabi niya kaya tumawa ako.

"Sige na kailangan na natin umuwi, gabi na basta mag ingat ka ha, pag may kailangan ka wag na wag kang mahihiya ha kahit ano pa 'yan," sabi ko, nag paalam na kami sa isa't isa at umalis na siya kaya naiwan ako dito sa company.

Niligpit ko na ang mga papeles, linggo bukas kaya naman walang trabaho. Makakapagpahinga din sa wakas.

Bumaba na ako sa building at tinahak ang daan kung saan ang kotse ko. Agad din ako pumasok at tinawagan si Mom.

"Mom, how are you?" tanong ko sa kabilang linya.

"I'm okay Ivy, and also malapit na kami sa house, let's have dinner, kasi baka bukas umalis nanaman kami eh. Iyang Kuya Ian mo napaka busy, masyadong nilulong sa trabaho ang atensyon, tsaka mas lalo ata naging busy ngayon," pahayag ni Mom.

Hmmm pansin ko din 'yun.

"Sige Mom mag dadrive na ako, see you at the house," paalam ko at inoff ang cellphone. Nag drive na ako papaunta sa bahay

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon