Chapter 26

1.1K 17 0
                                    



"I-ikaw..." sabi ni Sam.



"W-we need to g-go.." hindi mapakaling sabi ni Sam kay Calix.



"Why? I need to—" hindi na natuloy ni Calix ng hilain siya ni Sam palabas. Nang makaalis sila ay nilingon ko si Ron. Kita ko na nakatulala padin siya sa nilabasan nil ani Calix.



"Are you okay Ron?" tanong ko sakaniya. Napalingon naman siya sakin, tumango naman agad siya pero parang wala pa din siya sa sarili niya.



"Nasan si Grace?" tanogn ko sakaniya.



"Andyan sa bench sa gilid ng pinto" sabi niya kaya inaya ko na siyang umuwi, kaya ko naman na umuwi. Sakaniya kami sumakay papunta sa mansion.



Pagpasok namin ay inalalayan ako ni Ron pahiga sa kama ko, si Grace naman natutulog na agad sa gilid ko, habang si Ron nakaupo sa upuan na nasa gilid ng kama ko.



"Are you really okay Ron? Hanggang ngayon napaka lalim ata ng iniisip mo?" nag aalala kong tanong. Bumuntong hininga naman siya saka tumingin sakin.



"I know her.." sabi niya.



"Si Sam ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sakaniya.



"Sam ang pangalan niya? Matagal ko siyang hinanap... noong kakagraduate ko lang ng college, nag celebrate kami ng mga friends ko sa bar, at may naganap noon. Pag gising ko wala na siya, hinanap ko siya ng ilang taon hanggang sumuko ako, pumunta na ako ng UK, hindi ko inaasahan na makikita kita duon. Nabaling yung atensyon ko sayo at nakalimutan ko na yung babaeng yon. Pinahagilap ko din noon siya kaso talagang nagtago ata siya kaya ayun. Ngayon nakita ko siya, bakit parang umiba ihip ng hangin Ris... hindi ko na alam... Ang bilis ng tibok ng puso ko... tapos... parang nainis ako nung hawakan niya yung Calix na yun" inis niyang sabi. So.. na inlove na pala siya sa iba. Natawa ako sa sarilin naisip.



"So ganito pala mag selos ang isang Tyron noh, inlove ka sakaniya pag ganiyan. Alam kong itatanggi mo pero marerealize mo yan"natatawa kong sabi sakaniya.



"alam mong ikaw ang gusto ko.." sabi niya.



"akala mo lang na ako, makikita mo.. baka isang araw binabakuran mo na yan.. kaso..." sabi ko, nag aalangan kasi ako ituloy eh..



"kaso may anak na siya, at si Calix yung ama" sabi ko nakita ko na nandilim ang itsura niya sa sinabi ko.

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon