Chapter 22

1.1K 21 0
                                    



"Okay lang ba talagang tawagin kang daddy ng anak ko?" tanong ko sakaniya. Baka kasi napipilitan lang siya eh.



"I'm very okay, gusto ko nga yun itawag niya sakin eh. Ahmm Ivy" tawag niya sakin bigla.



"Natatandaan mo ba ako?" tanong niya sakin kaya napakunot ako ng noo. Natatandaan? Wala naman akong matandaan na kilala ko siya.



Umiling nalang ako, tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko.



"Not my hair!" sabi ko sakaniya, ngumiti lang siya sakin ng matamis.



"Still the same, Ris..." dahil sa huli niyang kataga ay napatulala ako sakaniya. Bumalik lahat ng alaala ko mula pagkabata.



FLASHBACK



"Anong nangyari sa iyo, Ian? At sino iyang bata na yan?" tanong ni Manang ng makadating si Kuya Ian.



"Magandang hapon po, niligtas niya po ako muntik na po kasi ako mabugbog sa daan. Mga magulang ko po namatay na" sabi ng batang lalakeng kasama ni Kuya Ian. Base sa itsura niya kasing edad niya si Kuya.



Andito lang ako sa sala kasama ang kababata kong si Ron.



"Tsk! Mamaya mag usap tayo" sabi ni Kuya Ian saka umakyat na.



"Ayang si Ian, mabait talaga iyan ayaw lang niya masyado pinapakita. Tutal wala ka ng tirahan dito ka nalang, siguradong matutuwa ang mga amo ko" nakangiting sabi ni Manang. Nahuli naman ako ni Manang na nakatingin sakaniya kaya lumapit sila kasama yung lalake.



"Ito nga palang ang pangatlo sa kanilang mag kakapatid, ito si Ivy, Ivy ito si Calix kasama ng Kuya mo kanina" sabi niya, tumayo naman ako at nakakunot pa rin ang noong nakipag kamay.



"Ito ang kababata niyang si Ron" sabi ni Manang, napaangat naman ng tingin si Ron at tinitigan si Calix. Bigla naman akong inakbayan ni Ron pero natural nalang sakin iyon.



"Hello, Calix pangalan mo?" sabi ni Ron tumango lang si Calix at bumaling sakin.



Lumipas ang ilang araw at duon na nakatira si Calix, alam na din nila Mom and Dad tinanggap nila si Calix. Si Kuya Ian naman nilagay sa training si Calix para maging kanang kamay niya daw sa mafia pag siya na ang uupo sa trono.



"Ris! Asan ka?" sigaw ni Ron kaya lumabas ako sa kusina.



"Bakit parang nagmamadali ka Ron?" nag aalala kong tanong, lumapit naman siya sakin at niyakap ako.



"aalis kami, Ris..."sabi niya kaya humiwalay ako at tumingin sakaniya ng diretso. Iiwan niya ako? Ayaw ko! Kung aalis siya sasama ako. Umiling iling ako.



"Iiwan mo ako Ron, I thought you're my bestfriend..pero bakit mo ako iiwan? Sasama ako Ron..." lumuluha kong sabi.



"Kailangan namin umalis, pupunta kami sa ibang bansa para ayusin ang kompanya namin" sabi niya sakin, hindi ko maintindihan bakit kailangan niya pa sumama dun, I hate this feeling! I have feelings for him kahit ang bata ko pa, pero tinatago ko iyon sa sarili ko dahil alam kong hindi pa oras.



Bakit siya aalis kung kailan gusto ko siya, ayaw ko din mawalan ng bestfriend.



"Nagpaalam na ako kala Tito at Tita, kailangan na namin umalis Ris. Babalikan kita Ris.. babalik ako pangako ko iyan, pag balik ko liligawan kita, may gusto ako sayo at alam kong hindi pa ito tamang oras kasi bata pa tayo. Pag laki ko hindi ko hahayaang may aagaw sayo mula sakin, pangako ko yan ha Ris. Sana pag balik ko...ako pa din..." sabi niya saka ako hinalikan sa noo at umalis na sa amin. Nakita kong bumaling siya sa likuran ko at matalim na umalis kaya lumingon ako dun, only to find out na andun si Calix na nakikinig.



Hindi ko na siya pinansin saka umakyat sa kwarto ko at umiyak. Itatatak ko sa sarili ko na babalik ka.... Hihintayin kita.... 'liligawan kita...paglaki ko hindi ko na hahayaang may aagaw sayo mula sakin, pangako ko yan' tatandaan ko iyang sinabi ko.



-----



Gra graduate na ako ng Junior Highschool, pero wala pa din siya. Pinaasa niya ako...na babalik siya...sa mga sinabi niya sakin. Napaka bata ko para maniwala sa mga sinasabi niya. Mga pangakong na pako, dapat ko na siyang kalimutan, for sure this time nakalimot na iyon, sa tagal ba naman nun bakit ng aba aasa pa ako?



Lumipas din ang mga taon na lagi nakabuntot sakin si Calix, more on nililigawan niya ako. Gusto din naman siya nila Mom sakin ewan ko lang bakit hindi ko pa siya sinasagot. Hindi pa siguro ako handa? I don't know!



END OF FLASHBACK



"Ron?" patanong kong tawag sakaniya at kusang nagtuluan na ang mga luha ko.

Unwanted Affection (Montello Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon