K
"Ma'am, may kailangan pa po ba kayong papeles?"
Umiling ako at isinara na rin ang laptop ko. "Nope. You can go home."
Ngumiti lang ang secretary ko at lumabas na rin ng office. I checked the time on my phone. Almost 10pm na pala. Hindi ko man lang namalayan. Pumikit lang ako sandali dahil nararamdaman ko ang pagkirot ng sentido ko. Hindi ko na alam kungi lang buwan o taon na ba ang lumipas nang ako na ang nagtake over sa paghandle ng buong kumpanya. This is a good thing anyway, I have kept myself busy every day that I did not have any time left thinking about something else.
I suddenly felt like my stomach rumbling, probably because I didn't get to eat for dinner. Hindi ko nga rin gaano nakain ang lunch ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi naman siguro ako namamayat. I started retouching on my face. Hindi pwede. Baka lalong hindi ako balikan ni Andrea.
Bahagya akong natawa sa sinabi ko.
Until now, I'm still hoping that Andrea would come back and tell me that I'm still the person she loves.
How stupid of me. Bakit baa ko umaasa pa rin hanggang ngayon? For sure, may sariling buhay na 'yun ngayon at hindi na ako naiisip non.
Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palabas ng office. After a long day of being busy, I'll be met with a long night of overthinking. Kaya siguro parang nalaki ang eyebags ko.
"Oh ma'am, ginabi nanaman ho kayo ha."
Bati ni manong guard.
"Masyadong maraming gawain manong. Kung ako man ang papiliin, gusto ko rin naman talagang magpahinga."
"Oo nga ma'am, ika nga ng anak ko saakin palagi, pahinga pahinga din pag may time."
Napangiti ako doon. Well, how can I rest if my rest is too far away from here? Hindi ko na lang talaga mabilang kung ilang beses akong nagdasal and nagwish na sana kinabukasan mukha na ni Andrea ang bubungad sa paggising ko.
Tinapik ko na lang sa balikat si manong at ngumiti. "Ikaw din manong magpahinga ka na muna."
Nagpatuloy na ako sa paglabas at naghihintay na si Junitz saakin. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng sasakyan nang parehas naming marinig ang kulog. Maybe it's going to rain. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay idinantay ko agad ang ulo ko sa upuan at pumikit.
"Okay lang po ba kayo ma'am Katarina?"
I nodded my head. "Okay lang Junitz. I just need some rest, I guess."
"Sige po ma'am, umidlip ho muna kayo dyan sa likod."
BINABASA MO ANG
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...