XL.

17.9K 669 100
                                    



A



F L A S H B A C K


"How are you iha?" It was the father of Katarina. Siguro'y may business meeting sila dito sa states at dahil alam naman nila kung nasaan ako ay nagpakita na rin. Hindi ko nga lang alam kung para saan ang pagkikita namin na ito. "I'm glad we are able to see you here in San Francisco and at least get a chance to talk to you." Ngumiti maging ang nanay ni Katarina matapos sabihin iyon ng kanyang asawa.

Naguguluhan man ay nagsalita rin ako. "Wala hong anuman. Para saan ho ba?" Nagawa kong itanong.

"Firstly, we would really like to thank you for taking care of our daughter, Katarina." Katarina's father started. "Kahit may kakulitan at katigasan ng ulo ang batang iyon, we still would like to thank you for doing everything that you can to help us get our daughter back. We'll be forever thankful for that."

"Ginawa ko lamang ho ang nararapat at ang tama." I answered. "Wala hong anuman."

"Ah, iha. May ipinunta talaga kami dito dahil may request sana kami sa iyo. If that would be fine with you." It's Katarina's mother. "It's been so long Andrea. I guess our daughter really wants to see you."

Nagsalubong naman ang kilay ko. "Ako? Gustong makita ng anak niyo?" Gusto akong makita ni bruha? Biglang may kung anong naramdaman ako sa loob ko.

Tssss. Umayos ka nga dyan Andrea!

"It's Katarina's birthday in a week. We already talked to your mother. I think you'll be back in the Philippines in three days."

"Ahhh babalik nga ho kami sa Pinas in three days. Bakit ho? Anong meron?" Tanong ko pa.

Ngumiti naman ang dalawa. "We would like to invite you to our daughter's birthday party. You already missed her graduation. We hope you would want to go to her birthday at least."

Ngumiti rin ako sakanila. "Kung pwede ho, sige. I'll come."

Bigla akong niyakap ng nanay ni Katarina. "You don't know how much it will make her happy...to see you, iha."

Napatawa ako nang bahagya. "Naku mukhang imposible! Iritado saakin ang anak ninyo. Baka makita pa lang ako non eh biglang kumulo ang dugo bigla at sabihan pa akong sinira ko ang party niya. Hahahahaha!"

"Mahilig ka palang magbiro." Banggit ng tatay ni bruha.

Umiling- iling na lang ako. "Hindi ho biro 'yun. Totoo ho." At saka ngumiti muli sakanila.


E N D  O F  F L A S H B A C K



"Andrea, nag- bloom ka yata! Ang ganda ganda mo na sobra."

"Mas naging babae ka tingnan. I swear."

"You gotta believe them Andrea. You've gotten really more beautiful."

Mga kaibigan iyon ni bruha. Pagkauwi namin galing sa mall ay nandoon na pala ang tatlo at naghihintay sakanya. Nagulat pa yata ang tatlo nang makita ako at mamukhaan. Hindi ko naman alam na darating sila ngayon, eh 'di sana dumiretso uwi na lang din ako. Uy! Gustong masolo si Katarina...Syempre hindi no! Uuwi na lang talaga ako dahil ito na nga ang inaasahan ko, kung anu- anong sasabihin ng mga kaibigan niya.

K A T A R I N A (•GXG•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon