62. (ENDING)

8.6K 233 61
                                    


A




"Would you please get my cup of coffee on our kitchen table please?" Tinitigan ko siya at bahagyang napangiti, hindi ko alam kung dahil sa pagkakagulo ng buhok niya o dahil sa pagkakabusangot ng kanyang mukha habang may binabasa mula sa kanyang laptop, ang alam ko lang ay lalo siyang gumaganda sa mga ganoong pagkakataon.


Sinalubong niya ang tingin ko. "Why are you staring?"



"Nothing." Nasabi ko na lamang at tumayo na upang gawin ang iniuutos niya. "Hindi naman siguro masamang titigan ka 'di ba?"



Kinuha ko na ang kapeng kakatimpla niya pa lamang at iniabot na rin sakanya. Nakatingin lang siya saakin, na tila bang minamanmanan ang bawat kilos ko. Dahil ako ito, ay pinili kong asarin siya. Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa at binuksan iyon. Umakto akong may binuksang message mula sa phone ko, chineck iyon at ngumiti- ngiti ako. Alam kong sa pagkakataong ito ay nakatingin pa rin siya saakin kaya mas lalo ko siyang ginustong asarin. Binitawan ko na ang kapeng pinapakuha niya at mas binigyang pansin ang cellphone ko. Natatawa- tawa pa ako kunwari para mas lalo siyang mabwisit.



Kinurot ba naman niya ang pisngi ko nang kahigpit. Napangiwi yata ako at naibaba ko ang cellphone ko sa lamesa. "Bagay lang sa'yo yan."



"Eh bakit nangungurot?"



"Because you're too preoccupied on your phone eh andito naman ako. Who could you possibly be talking to?"



Tiningnan ko lamang siya at ngumiti muli. Hindi talaga kumukupas ang ganda ng babaeng ito, ganoon at ganoon pa rin. Kahit na sabihin mong masungit ito dahil madalas ay nakasimangot, hindi mo maikakaila na napakaganda ng bawat feature ng kanyang mukha. Sana all. Diba?



Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong iyon sa aking kamay. "Inaasar lang kita. Alam kong mabilis kang maasar. See?" Babawiin niya ang kamay niya ngunit hinigpitan ko ang paghawak doon. "Ang ganda ganda talaga ng asawa ko. Ang bait bait pa. Ano kayang ginawa kong mabuti upang maging ganito ka- swerte at ikaw ay mapunta sa piling ko?"



And there, hindi na niya napigilan ang ngiting lumabas sa kanyang labi.



"Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti."



"Maganda daw. Pero you're talking to somebody else."



Kinurot ko ang ilong niya at natawa. "Hindi ako kumakausap ng iba ha. Bantay sarado ako sa'yo, paano pa akong makakakausap ng iba?"

K A T A R I N A (•GXG•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon