43.

16K 509 50
                                    

  


K




"Anong sabi mo?"

Nakatingin lang si Andrea saakin as if she's losing her temper. Kanina pa siya paulit- ulit sa pagsasabi ng kung anong sinasabi niya. Hindi ko lang talaga nadidigest at hindi tuluyang pumapasok sa isip ko

"Yung babaeng laging kasama ni Veronica?" I keep on listening to her although I heard what she has been saying a bunch of times. I just couldn't grasp on it. "Magkakilala na kami simula noon."

I arched an eyebrow at her. "Is she your ex then?"

Mabilis ang ginawang pag- iling ni Andrea. "No. Hindi hindi. Childhood best friend ko siya."

"Really?" I Insisted.

Bahagya lang siyang natawa. Anong tinatawa- tawa naman ng babaeng 'to? "Hindi nga Katarina. Ang kulit. Sila ni Veronica."

"Veronica? As in si Vero?"

She nodded her head. "Yes. Ang gulo nga eh kasi sabi ni Katkat hindi naman daw sila tapos nung biglang dumating 'yung kaibigan mo biglang sinabi na girlfriend niya nga."

I furrowed my eyebrows aimed at her. "Katkat? At saan dumating si Vero? Bakit nasaan ka ba? Nasaan kayo if I must rephrase my question?"

"Ah sorry Katarina. Hindi ko na nasabi. Nagkita kasi kami ni Katkat, pinahanap ko nga siya sa ilan sa mga tauhan naming. Tapos ayun, hindi ko akalain na siya nga iyon. Na matagal ko na pala siyang nakakaharap."

Nagpaliwanag pa siya ngunit hindi ko na iyon masyadong iniintindi pa dahil naka- focus ako sa Katkat. Ugh. Katkat? At anong tawag sakanya nun? Bakit may nickname pa sila?

But, the hell I care!

Bigla ay kinurot niya ang pisngi ko at tiningnan ko siya ng masama. "Uhmmm, anong iniisip mo? Nakasimangot ka kasi?"

Hindi ko siya pinansin at akmang tatayo niya nang pigilan niya ako. "Ano ba." Suway ko sakanya.

"Nakasimangot ka nga talaga at ngayon ang sungit mo pa. Ano ba kasi talagang iniisip mo?"

"Stupid." Bulong ko lang at mukhang hindi naman nga niya narinig. Nakatingin lang siya saakin habang nakangiti. Damn it! Stupid stupid...why do you have to be so cute right now? I looked away from her. Tumingin ako kung saan- saan, huwag lang sa mukha niya ngayon. "Andrea, I want to go in my room."

Sinabi ko iyon nang hindi pa rin nakatingin sakanya. "Okay. We'll go in your room." Sabi niya.

Doon naman ako napatingin agad sakanya at kitang- kita ko ang smirk niya. Kainis! Tinaasan ko siya ng kilay at nilabanan ang tingin niya. "Huwag mo nga akong mabwisit- bwisit! Ang aga aga! Nambubulabog ka at kung anu- anong ikekwento mo lang, na nakipagdate ka lang naman."

"Friendly date." Sagot niya.

At tinitigan ko talaga siya ng masama. "Date talaga?"

Umiling- iling siya. "No no no. Hindi date. Nagkita lang. Nag- usap. Ganoon."

"Hindi. Nagdate kayo eh. Kakasabi mo nga lang eh. Friendly date ka pa. Nakipag- date ka pa din sa iba."

"Wait, don't tell me,"

Tinakpan ko 'yung bibig niya gamit isang kamay ko. "Before you even say it, no. I am not." I told her.

Tinanggal niya 'yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya at nagulat ako nang biglang napalapit ako sakanya. Our faces are just mere inches away from each other. What the hell does she think she's doing?

K A T A R I N A (•GXG•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon