IX.

22.4K 708 178
                                    

           


A





Bwisit! Bakit ba kasi napakalapitin ng babae na 'yun sa disgrasya at kapahamakan? Kinakarma na siguro. Tudyo ng isip ko. Bigla ay huminto ako at naghanap ng kahoy. Nakakita naman agad ako sa gilid at kumatok ako dito ng tatlong beses. Aba! Hindi man ako maganda eh maganda naman ang aking puso at napaka- busilak.

Pero nakakainis lang talaga tuwing magkikita kami ng babae na 'yun ay napapasubo ako palagi sa gulo. Mahihirapan ata talaga ako sa pag- iwas sa gulo hangga't nasa paligid ko 'yung babae na 'yun.

Mukhang hindi rin matutupad ang pagiging hangin niya sa'yo.

Bumuntong- hininga ako habang naglakakad pauwi saamin. Katarina Rachelle San Juan. Akala ko makakalimutan ko nanaman. Kita mo nga naman pang- anghel ang pangalan niya pero ang ugali ng babae na 'yun eh sobrang kabaligtaran. Napailing- iling na lang ako tuwing naaalala ko ang itsura niya tuwing nakakasalubong o nakikita ako sa campus. Pero 'yung itsura niya kanina, iba eh. Gulat na gulat na akala mo ay kanina lang ako nakita. Hindi ko rin nakita ang pagka- bruha nung babae na 'yun kanina. Ang tahimik ng presensya niya kanina at hindi man lang ako natalakan.

Masyado kasi siyang maganda kaya ayan masyado ring lapitin...

ng panganib! Hahahaha!

Ilang oras din ang ginugol ko para lang asikasuhin ang project namin kay Professor Sig ano. Sisiguraduhin kong ibabato ko sakanya 'yung folder at siya ang magpapasa kay Prof. Pero syempre joke lang. As if naman gagawin ko 'yun, baka sugurin pa ako ng fans club niya no. Hindi pa nga natitigil mga pantitrip saakin ng mga 'yun eh dadagdagan ko pa ba dahilan, kahit wala naman talagang dahilan, para pagtripan ako ng mga 'yun?

Ilang taon na lang, Andrea. Kapit ka lang. Ilang taon na lang at matatahimik na buhay mo.


Naalala ko pa na bago pa man ako tuluyang makarating doon sa kung anong bar na 'yun ay hinahanap ko pa si Katarina. Bahala siya. Kailangan kong tanungin siya kung anong full name niya. Alangan namang magtanong ako sa iba eh hindi naman nila pangalan 'yun? Ewan ko ba, feeling ko eh mas walang hassle kung sakanya ko mismo itatanong.

Bago pa man ako tuluyang makaalis ng campus ay may narinig akong tatlong babaeng nagkekwentuhan.

Girl 1: Girl omg! Alam mo ba na magkasama ngayon si Jason at Katarina?

Girl 2: So totoo nga ang balita? Totoong sila na? Oh my G!

Girl 3: Oo sila na nga talaga. Ang sweet sweet nila omg!

Girl 2: So nasa The BB's sila?

Girl: Yes girl! Kasama rin nila sila Primrose, Veronica at Genevieve.

Tinigilan ko ang pakikinig sa usapan nila dahil nakuha ko na naman ang gusto ko. Lumabas na ako ng gate at nakita ko pang muli si kuya na mukhang gulat nanaman pagkakita saakin. Hindi ko alam pero parang kilala ako ni kuyang guard eh hindi ko nga siya kilala. Nakita na kaya ako nito kung saan? Ang weird lang minsan ng pagtingin- tingin niya eh.

Hindi ko na lang pinansin at lumabas na ng gate at binaybay ang kalsada at hinanap 'yung sinabi nilang bar. Pamilyar naman ako doon dahil tuwing papasok ako ay nadadaan ko ang bar na 'yun. Nakarating na ako sa bar nang makita ko si Katarina na iniluwa noon at naglakad sa kung saan. May kasunod siyang lalaki na tila nagmamadali sa paghabol sakanya.

Sumunod na lang ako sakanila at nanatiling tahimik at nakatago. Pero nang mapansin ko na parang nagrereklamo at nag-aaway na sila ay doon na ako umeksena. Kita mo 'tong lalaki na 'to. Pakamanyak! Hay nako mga lalaki ngayon, basta't nakitang mag- isa ang babae eh aatakihin na bigla. Hindi ko nilalahat ha. Naisip ko lang naman.


K A T A R I N A (•GXG•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon