XXXVI.

16.4K 601 91
                                    


K



Bitawan niyo siya.

Bitawan niyo siya.

Bitawan niyo siya.


It echoed inside my head. Nabigla rin ang tatlong lalaking hindi ko kilala na nasa harap ko ngayon, binitawan ako at hinarap nila ang kung sinong nagsalita.

"Good..." Medyo madilim kaya hindi ko rin maaninag gaano ang itsura ng kung sino itong nagligtas ng buhay ko. Another savior of mine... or is it Andrea? No it can't be Andrea. "Iwan niyo na kami." Mahinahong utos nito.

Biglang tumawa ang isang lalaking nasa harap ko. "Ano sa tingin mo saamin? Aso mo na susunod sa'yo? Aba't sino ka ba't nakikielam ka ha!"

It's not Andrea... Katarina stop thinking it's Andrea. She's not here.

She's not here to save you... again.

Slowly, the person who saved me tonight walked towards us. The stranger is wearing a black sweater at nakatago rin ang mukha nito kaya't hindi ko rin siya makita upang makilala. I just saw the stranger smirked beneath the sweater.

"Lapit kayo, bilis. May sasabihin lang ako." Umakto pa itong pinapalapit talaga ang tatlo na siyang kinainis pa ng tatlong lalaki na kanina lang ay nasa harapan ko.

What the hell is this stranger doing?!

Unti- unti namang lumapit 'tong tatlong lalaking nasa harapan ko. "Dyan lang kayo sa likod ko..." Sabi pa nung nauna. "... ako ang bahala sainyo."

Napailing- iling ang kung sinong nagligtas saakin. Nakita ko rin ang dahan- dahan niyang pag- ngiti.

Nang makalapit ang isa sa tatlong lalaki na kanina lang ay nasa harapan ko ay tinapik- tapik pa nung kung sinong nagligtas saakin ang balikat ng isang lalaki. When the guy who pushed me to the wall almost punched the stranger who saved me in the face, the stranger just smiled and immediately pushed the guy away. Pinilit kong buksan ulit ang phone ko upang manghingi ng tulong sa ibang tao. Naging mabilis ang pangyayari at nagtulungan ang tatlong lalaki upang patumbahin siya ngunit nakakailag siya at ang tatlong lalaki ang natatamaan sa huli.


It was all too familiar to me.

I was seeing Andrea who was effortlessly fighting someone else to save me.


"Okay ka lang ba?" I blinked a few to realize that the fight is already over. Wala na rin 'yung tatlong lalaki na nagbalak ng masama saakin kani- kanina lang. "Hey... okay ka lang?"

Doon ko nakita ng bahagya ang itsura niya.

Lalaki ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa napansin kanina na lalaki siya. Siguro dahil siya lang ang nasa isip ko habang tinitingnan ko siyang kinakalaban 'yung tatlong lalaki kanina sa pagligtas saakin.

I breathed in and out before I decided to answer back. "I'm fine. Thank you for that."

Tinanggal din niya ang nakaharang sa mukha niya dahil naka- hoodie siya. Ngumiti siya ng bahagya at lumabas mula sa pagkaka- ngiti na iyon ang dimples niya. Medyo chinito rin ang itsura nito at maputi talaga.

"Saan ka ba? Sabayan na kita sa paglalakad. Mamaya may kung sino nanaman na umaligid sa'yo." Sabi pa nito.

"No it's okay. Dala ko naman ang kotse ko." Then I remembered, nasira nga pala ito kaya napahinto ako sa madilim na prang eskinita na lugar na 'to. "Tumirik pala siya. I was about to call for help as I looked for a place na may signal... then it kind of just happened."

K A T A R I N A (•GXG•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon