Track 25: Bad Dream

142 25 262
                                    

Kanina pa tumutunog ang phone ko. It had been going on for several minutes, but I kept on ignoring it, until I felt something move from my shoulder.

With my eyes still shut, I groped my pocket for my phone, taking it out to click the silent button on its side.

"Jannah," a raspy voice spoke next to me, but I couldn't tell who it was.

Napamulat ako ng aking mga mata nang may tumapik sa balikat ko. Kulay puting mga pader ang unang bumungad sa akin at doon ko napagtanto na wala ako sa kwarto ko. "Nasan ako?" I mumbled to myself.

"Huh?" Laken's voice snapped me out of my confusion as I turned to my side to see him. First time kong makita ang kulay tsokolate niyang buhok na hindi naka-style pataas pero bagay pa rin naman ito sa kanya.

Umiling ako sa kanya sabay kuha ng phone ko. Doon ko nakita ang ilang text message galing kay tita.

Pagkakita ko ng oras, alas-siyete na. Ibig sabihin malapit na magsimula yung misa. Sinabihan ako ni tita kahapon tungkol sa offertory mass at alam ko kung gaano ka-importante kay tita ang pagsisimba.

"Hala!" I muttered, standing up from my position. Naramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko nang iunat ko ang aking mga paa sa pagtayo ko. Nakatulog pala ako dito sa sahig kasama si Laken.

"Bakit? Anong problema?" Laken asked as he dusted his pants from getting up on the floor.

"Late na ako sa Sunday mass," sagot ko habang nag-ta-type ng ire-reply ko kay Tita Claire.

Laken rubbed his temples with his hand. "Shit! Sinabi ko sa tita mo na ibabalik kita kahapon. Tara, ihahatid na kita."

Tumango nalang ako sabay takbo palabas ng kwarto. Pagdaan namin sa sala, nakita ko ang mga kaibigan namin na mahimbing pa rin ang tulog sa kalasingan kagabi. Hindi naman ako uminom pero parang mabigat yung ulo ko for some reason.

Narating rin namin ang kotse ni Laken sa labas. Buti nalang at gumana na ang elevators matapos ang maintenance nila kahapon. Kung hindi, siguradong hindi ko na maaabutan yung misa at tatanggapin ko nalang kung ano man ang sasabihin ni tita sa akin.

Matapos kong i-type ang address ng simbahan sa GPS navigator ni Laken, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at nagdasal na rin ako na sana umabot ako.

My mind was trying to think of an excuse as to how I ended up sleeping at a friend's house, but I was still sleepy to even process everything that happened.

"May... ginawa ba ako kagabi na hindi ko dapat ginawa?" Laken suddenly spoke next to me, catching my attention.

Wala naman siyang ginawang kakaiba maliban sa pag-iyak niya. I guess wala rin siyang naaalala sa mga sinabi niya kagabi.

"Jannah?" He asked again, snapping me out of trance.

"H-Ha? Uh... wala, wala ka namang ginawang kakaiba," I answered, looking away.

"Alam kong nagsisinungaling ka," he pointed out. "Bakit tayo... nasa iisang kwarto kagabi?"

"Ah, yon ba... Kasi ano... hinahanap kita kagabi tapos nakita kita sa kwarto kaya pinuntahan kita tapos nakatulog ako." Sa pagkakasabi ko nito, parang may nangyari nga kagabi sa amin, kahit na wala naman talaga.

"Yon lang?" tanong ulit niya at tumango lang ako. He didn't ask any more questions after that.

Nang marating na namin ang simbahan, nakita ko na si tita sa may entrance malapit sa sementadong hagdan. Nakakunot ang noo niya na nakatingin sa malayo. Mukhang malalagot ako nito.

I took a breath, turning to the guy next to me. "Thank you, Lake. Kita nalang ulit tayo bukas."

"Magso-sorry muna ako sa tita mo," sabi niya sabay labas ng kotse at nag-martsa papunta kay tita.

The Broken SoundtrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon