Track 23: What You Wanted

230 27 374
                                    

Kulay asul lang ang nakikita ko ngayon.

Sabi ko sa sarili ko na hindi ako titingin sa kahit na anong social media platform, pero habang nanonood ako ng video sa Youtube tungkol sa chemical bonding, bigla nalang lumabas ang mukha ni Asher bilang advertisement kaya naudlot na naman ang concentration ko sa pag-aaral.

Ang weird lang dahil naalala ko ulit lahat ng ginawa niya nung nandito siya - all the good and the bad. I couldn't even bring myself to look away.

If I could only get my heart to completely stop beating for him, I would... just so I could end this cycle of torture he put me through.

"Akala ko nandito tayo para mag-aral?" Laken's voice broke me off from my suicidal thought as I noticed him staring at me, his brows creased in disbelief.

Umiling ako. "N-Nag-aaral naman ako." I tossed my phone inside my bag as I tried to focus my eyes back on my notebook.

"Talaga? Eh bakit ka nauutal?" His green eyes pierced through mine that all I could do was swallow.

"Lagi naman akong nauutal," I commented, tearing my gaze away from him.

When I heard him scoff, I glanced at him and saw how his lips formed a thin smile. Hindi ko magawang mainis dahil tama naman siya. Besides, mas mabuti na na makita ko ang ngiti niya kesa naman ang pagkunot ng noo niya.

"Hindi ka pa tapos sa questionnaire mo." Tinuro ko yung papel sa harap niya.

"Kanina pa ako tapos." He slid the paper on the table towards my direction. "Pwede na bang mag-break?" he asked, resting his head over his folded arms on the table.

Tinignan ko yung questionnaire na sinagutan niya at totoo ngang tapos na siya. May binigay rin siyang isa pang papel kung saan nakalagay yung mga computation niya.

Inangat ko ang tingin ko para tignan siya. Yung tuktok ng ulo nalang niya ang kita ko ngayong nagtutulug-tulugan na siya.

"Lake, hindi ka pwedeng matulog dito," sabi ko sabay sundot ng ulo niya. Hindi siya gumalaw.

Bumuntong-hininga ako at hinayaan nalang siyang matulog saglit. Halos araw-araw kaming nag-aaral ng sabay at alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon niya lalo na at pumupunta rin siya sa mga football practice nila.

Naisipan kong markahan nalang yung papel niya habang hinihintay siyang magising ulit.

Maya't maya pa ay narinig ko na ang mahinang hilik galing sa kanya. At talagang nakatulog nga siya. Minsan naiinggit ako sa mga taong mabilis makatulog. In my case, kailangan ko pang bumilang ng maraming tupa gabi-gabi para lang makuha ko ang tulog ko.

For the next hour, I was just there reading my notes in front of the sleeping guy. Na-bother ako nung una sa paghilik niya pero ayaw ko naman siyang gisingin kaya ni-adjust ko nalang ang sarili ko. Kanina pa tumutunog yung sikmura ko pero hindi ko na muna ito pinansin.

"Hmm..." Laken suddenly mumbled, slowly lifting his head up from his position.

Pinanood ko siya habang inunat ang leeg niya bago niya ako tinignan. "Nakatulog ba ako?" He croaked, forcing his left eye open. Nakakatawa ang itsura niya ngayon kaya hindi ko napigilang hindi mapangiti. "Ano? Bakit ganyan ka makatitig?" tanong niya at umiling lang ako.

"Isang oras kang nakatulog," sagot ko.

"Shit!" He burst, his eyes flung open. "Bat di mo ako ginising?"

"Sorry... ang sarap kasi ng tulog mo," sabi ko sabay abot sa kanya ng papel na minarkahan ko kanina. "Deserve mo rin namang magpahinga."

"Kain na tayo." Laken pushed himself up from his chair, grabbing his backpack.

The Broken SoundtrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon