Track 24: Lonely Heart

144 24 426
                                    

Nabulag ako sa pagbalot ng usok sa loob ng kusina nang buksan ko ang oven. Umabot sa baga ko ang amoy ng sunog na muntik ko nang ikahimatay.

Buti nalang at nabuksan ko rin agad yung exhaust fan. Iniiwasan kong hindi tumunog yung fire alarm dahil kung hindi, magigising si tita at baka hindi na rin niya ako paglutuin kailanman.

Pangalawang beses ko palang na mag-bake ng banana muffins. Nung unang beses ko, masyadong malambot na parang hindi pa masyadong luto sa loob.

Well let's just say na baka nga pati hayop hindi ito gugustuhing kainin. Normally, kaya ko namang mag-bake. But somehow, making muffins for someone else was triggering the perfectionist side of mine which I didn't know I had.

"May nasusunog ba dito?" Nagulat ako sa boses ni Tita Claire at muntik ko na ring mahulog yung tray na hawak ko. "Jam, ang aga mo yatang nagising ngayon."

Nakita ko si tita na parating sa kusina habang nakatingin sa akin. Nakasuot pa rin siya ng scrub suit niya kaya ibig sabihin hindi pa siya nakatulog nang makauwi siya kanina galing sa night shift niya.

"Opo tita, nagbe-bake lang po ako," I answered, looking at the clock hanging on top of the wall. Pasado alas-siyete na ng umaga kaya may ilang oras nalang ako para mag-prepare.

Humikab si tita sabay lapit sa may lababo para maghugas ng kamay. "Ano ba yang ginagawa mo?" She asked, eyeing the half-burnt muffins on the tray. "Banana muffins?"

I nodded, dusting my hands on my dark blue apron. I was surprised she knew it right away despite its awful appearance.

"Tinuro ko na yan sa'yo dati, hindi ba?" she pointed out, reaching for the paper towel on the corner.

Tama siya. Tinuro nga niya sa akin ito noon pa. It was the first thing I asked her to teach me because I loved her banana cake so much.

Groaning, I turned to her. "Hindi ko magawa ng maayos ngayon, tita. Hindi ko alam kung bakit."

"Para kanino ba yan?" Tinignan niya ako nang may ngiti sa labi. "Madalas kasi mas mahirap talaga siyang gawin kapag para sa taong mahal natin dahil gusto natin itong maging perfect."

"H-Hindi naman po, tita..." Looking away, I grabbed the bowl of mixture on the table, busying myself to avoid her gaze. "Para lang po sa kaibigan ko."

"Okay," Tita Claire commented, a soft chuckle escaping her mouth. "Kaya mo na yan, Jam. Basta galing sa puso." Bago siya umalis, lumapit siya sa akin at sinabi, "Yon lang ang secret ingredient."

I choked in the air, inhaling bits of the flour from my hands. Narinig ko na ring sinabi ni mama yung linya na yun. Apparently, the secret of cooking was not based on the ingredients, but on how it was made.

With that in mind, I started all over again, making sure that I measured everything correctly before mixing it in.

Kapag hindi pa rin ito nag-work, mag-gi-give up nalang ako at sasabihin ko nalang kay Laken na wala akong naihandang regalo sa kanya dahil hindi ko alam na birthday niya ngayon.

"Sana magustuhan mo tong banana muffins. Happy birthday, Lake."

I finished writing the words on a mint green sticky note, pasting it on top of the box.

Nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko ito, thinking it was from Lake. Pero narinig ko ang pamilyar na boses ni Mason na agad akong sinalubong ng isang tanong.

"Hi, Jannah, kasama mo na ba si Lake?" Sigurado akong nakuha niya ang number ko kay Zander dahil never ko naman ito binigay sa kanya.

"Hindi pa," sagot ko habang inaayos yung mga maliliit na buhok na ayaw magpa-ayos sa may taas ng ulo ko. Ayaw ko naman maglugay ng buhok dahil masyadong mahangin sa labas kaya itatali ko nalang ito as usual.

The Broken SoundtrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon