Track 21: Little Do You Know

170 30 408
                                    

Sabado ngayon at kakatapos lang ng trabaho ko sa store. May bagong part-timer na kinuha si Boss Clyde dahil hindi na ako makakapagtrabaho tuwing weekdays.

May taekwondo lessons rin dapat ako ngayong araw pero naisip kong sapat na yung limang araw kada linggo na bugbog sarado ang katawan ko. Mas nakakapagpahinga pa ako dito sa trabaho ko kaysa sa taekwondo lessons ko.

Paglabas ko ng store, naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin na may kasama pang patak ng ulan. Ilang araw na akong pinapahirapan ng ulan na ito.

Facing the facade of the store, I rummaged inside my backpack for my foldable umbrella. I swore I always brought it with me, but today of all days, it suddenly disappeared. Baka naiwan ko yun sa veranda namin habang pinapatuyo ito.

"Jannah," a voice halted me from my senses.

"Sorry," I mumbled, glancing at the person who spoke.

"Jannah!" Mason appeared before me, raising his hand in greeting. Ang weird lang siyang tignan na walang dalang gitara. Pansin kong lagi kasi niya itong dala kahit saan siya pumunta.

"Uh... hi," I greeted back as I watched him take off the cap over his head, revealing his newly-colored buzz cut hair. It was in between the shade of dark purple and pink. I couldn't really tell the exact hue, but it definitely matched his tanned skin.

Kung ako ang nagpakulay ng buhok katulad nun, sure akong hindi babagay sa akin. Never mind the fact that my hair was as dull as the espresso coming out of a coffee machine.

"Hang out tayo sa bahay nina Lake." The smile on his face grew wide, his thick brows arched, waiting for my response.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako masyadong kumportable sa kanilang lahat. "A-Anong-"

"Kasama si Fiona," sabi niya. "Hinihintay ka na rin ni Zander sa kotse." Tinuro niya ang kotse niya sa may gilid ng daan, but with the amount of cars lined up, it was hard to tell which one.

"Uh... s-sige," sabi ko nalang, only because I wanted to check on Zander. Isang linggo na siyang nakikituloy sa bahay ni Mason. Simula nung gabi ng nangyari sa kanya, natatakot siyang umuwi sa bahay nila.

Mason's eyes lit up as he tucked his hands inside his windbreaker jacket pocket. "Nice! Bili lang ako ng pagkain dito!" Pumasok siya sa loob ng store at agad tumungo sa harap ng fridge para kumuha ng mga bote ng alak.

I watched him pay at the counter as I placed the hoodie over my head.

"Tara?" tanong ni Mason nang makalabas siya ng store. I just nodded at him as he started to run under the rain.

Holding my umbrella, I let my black sneakers dive into the puddles of water as I followed Mason's back. Gusto ko siyang habulin para makasilong siya sa payong ko pero masyado siyang mabilis sa pagtakbo.

Pagtingin ko sa kanya, nakarating na siya sa puti niyang kotse at binuksan na ito para sa akin.

Bumaba ang bintana sa harap ng kotse at doon ko nakita si Zander na winawagayway na ang kamay sa akin. "Jannah!" He exclaimed, gesturing me to come in.

Looking from side to side, I carefully crossed the road, heading towards the car. Mason waited for me to step in, so I thanked him before entering inside.

"Jannah, buti naman pumayag ka," sabi ni Zander pagkaupo ko sa likod ng kotse.

"Gusto kong makita kung okay ka lang," sagot ko sabay tingin sa mukha niya. Nandun pa rin yung pasa pero hindi na ito masyado namamaga. "Kailan ka uuwi sa inyo, Zander?"

Zander sighed, shaking his head a bit as Mason stepped inside, positioning himself in the driver's seat. "Tangina! Kailan ba titigil ang ulan na to?" Mason complained, starting the car. "Okay lang kayo?" He glanced at Zander and me. I just nodded as I buckled my seatbelt.

The Broken SoundtrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon