4- Quality Time with Him

349 12 1
                                    

"Nakaka-asar naman ang daming projects and assignments."

Papunta ako ngayon sa library para gawin ang mga assignment at project.

Mga professor nga naman oh.

Ang mahal mahal ng binabayaran namin.

Ay mali! Ang mahal ng binabayaran ng magulang namin tapos pinahihirapan ako?

Nasaan ang hustisya?

LIBRARY

Nanghiram ako ng ilang books na kailangan ko at umupo dun sa pinakasulok ng library. Yung konti ang tao.

Sa pagdaan ko sa isang bookshelf...

"Hmmm!!!"

Tae yan di na nahiya. Nasa library tapos naghahalikan. Parang di anak mayaman.

"Ehem!"

Pero parang mga walang narinig ito dahil patuloy pa rin sa "pag-aaral" ang dalawang estudyante.

"SILENCE PLEASE!!!"

Sigaw ko. At napatingin lahat sa akin ng estudyante at yung dalawa natigil na.

"Ssshhhhh."

"Sorry."

Nag-peace sign ako.

Ang sama ng tingin sa akin ng librarian.

Patanggal kita sa trabaho eh.

Umupo na ako at nagsimula na akong manggawa ng assignments ko.

Nagsimula akong magbasa.

Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian. Tinatayang......

Zzzzz.

------------------------------

Ang cute naman ng kuting.

Lumapit siya sa akin. At dinilaan ang kamay ko.

Kyaahhh! Ang cute!

"Anong name mo?"

"Meow."

Hahaha para kang sira Jane para namang sasagot yan.

"Sinong may-ari sa iyo?"

"Meow."

"Ang cute mo."

"Alam ko."

Huh?

Sumagot ang pusa?

Hinalikan uli ng kuting yung kamay ko.

Hinalikan?

Napamulat ako at nakita ko yung poging nanghalik sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

Pero ang napansin ko ay ang kamay ko na halik halik niya.

"Yung kamay ko please."

Mukhang nagulat siya kaya inalis niya ang labi niya sa pagkakahalik sa kamay ko.

Pero...

"Pwedeng pakibitiwan na rin ang kamay ko."

Hawak niya pa rin eh.

"Sorry."

"Why are you here?"

"Di ba sabi ko See you around kaya I'm here."

"Ha.Ha.Ha. Ang ibig kong sabihin bakit mo hinahalikan ang kamay ko. Natutulog ba ako."

"Linawin mo kasi ang sinasabi mo. Ginigising kasi kita kaso hindi ka magising kaya hinawakan ko kamay mo."

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon