13- The Wedding Booth

238 11 1
                                    

SCHOOL FESTIVAL

DAY 1

"Oy kayo dito kayo."

"Yung mga table iayos niyo ng mabuti."

"Yung mga kape iready niyo na."

"Ano ba kayo! Dito yan!"

"Bakit kayo may dalang wig?! Hindi kailangan yan!"

"Bawal maglaro dito!"

Mga classmates ko yan. Busy sila sa café na gagawin namin para sa school festival.

Nandito ako ngayon sa labas at nakasandal ang likod sa may pintuan.

"Baby Jane bakit ka nandito?"

Mangungulit na naman si Jeron.

"Bakit ba?"

"Busy sila tapos ikaw nandito."

"Sa Day 3 pa naman ako magsusuot ng mga ganyang baduy na costume. Kaya free ako ngayon. Eh ikaw bakit hindi ka pa tumulong?"

"Sa Day 3 rin ako."

Nanggaya pa eh.

"Samahan mo ako."

"Saan naman?"

"Basta."

At bigla na lang ako ng hinigit ni Jeron.

Saan ba kami pupunta?

--------------------------------------

Napataas ako ng kilay habang binabasa ang nakita kong poster.

"Wedding booth?"

"Oo Baby Jane. Pakasal na tayo."

"Mukha mo."

"Dali na."

"Seryoso ka? Ang bata pa natin."

What? Parang sinabi ko na rin na magpapakasal kami ah.

"Hindi naman ito tunay. Practice lang."

"Practice practice. Magpakasal kang mag-isa."

"Dali na."

"Bahala ka diyan."

At umalis na ako.

"Beybbbiiii Jeeeyyyyynnnnn!!!!"

Gagawa na naman ng kalokohan itong lokong ito.

"Beyybbbbbiiii Jeeeeyyyyyynnnnnn!!!!"

Huwag kang lilingon Jane hayaan mong magsisigaw yan.

"Ay pogi anong nangyari?"

"Gosh! Emergency may nahimatay!"

"Tawag kayo sa clinic!"

Napalingon ako may likuran ko.

May pinagkakaguluhan.

Si ano ba yun?

Don't tell me?

Mabilis akong tumakbo papunta doon.

At nakita kong nakabulagta si Jeron sa daan.

Agad akong lumuhod at tinapik ang mukha niya.

"Uy Jeron gising! Uy gumising ka!"

Hala kasalanan ko ito.

Ang init pa man din baka na-heat stroke na ito.

"Uy ano ba huwag ka ngang nagloloko diyan!"

Tae! Bakit hindi siya gumigising.

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon