3- My Fiancé?

365 13 1
                                    

"Huh?"

Yan lang yung nasabi ko nung narinig ko yung sinabi niya.

Fiancé?

"Ha. Ha. Hahahahaha!!! Grabe nakakatawa yung joke mo!"

Sabay hampas sa braso niya.

Uy ang muscles. Ang laki. Paluin ko uli.

Wow. Ang tigas. Lagi sigurong nagwo-work out.

Baka naglalaro rin ito ng basketball.

Matangkad eh.

"Hahaha! Fiancé mo? Patawa ka! Hahaha. Ha ha ha..."

I stop laughing kasi he glared at me.

Nakakatakot naman pero ang pogi pa rin.

Pinagmasdan ko siya.

Ang pogi nga niya!

Ang puti tapos chinky eyes.

Chinito!

Kapag nangiti siya para na siyang nakapikit.

Ang cute!

Yung ilong ang tangos.

Ang kinis pa ng mukha parang hindi na-experience na magka-pimples.

Napatingin ako sa lips niya.

What the?

Ang pula!

Mas maganda pa ang lips niya sa akin!

Andaya!

Parang ang sarap halikan.

Di ko akalain  na nahalikan ko ito.

Pwedeng isa pa?

Wait...

Asdfghjkl!!!!

Ano ba yung pinagsasabi ko?

"Pogi lang naman siya ah..."

"What?"

Huh? Narinig niya ata yung sinabi ko.

"Wala."

Nang-iintriga pa eh.

"Sabi mo pogi ako eh."

Tss. Yabang.

"Narinig mo naman pala bakit mo pa pinauulit."

"So, you find me handsome?"

"Whatever."

Inirapan ko siya.

"You're so cute."

Sabay pisil sa pisngi ko.

"Aray! Alisin mo nga yang kamay mo."

Pero hindi niya yun ginawa.

Pinisil pa niya yung isa kong pisngi.

"Mukha ka ng siopao. Hahaha."

He smiled.

"Nakikita mo pa ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Huh?"

"Kasi pikit ka na diyan eh."

"Nakakatawa ka. May nakikita pa ako. Nakikita ko pa rin yung ganda mo."

Tumalikod ako sa kanya.

Bakit parang ang init.

Binobola ka lang niyan Jane. Huwag kang magpauto.

Pogi lang yan.

"Hey."

Hinarap ko siya.

"Bakit ba?"

"Huwag mong tatalikuran ang kausap mo. Bastos yun."

Pinangaralan pa ako eh.

Nag-ala Chichay ako.

"Sorry po!"

------------------------------------

Naglalakad kami ngayon sa park.

Umupo ako sa may swing. Umupo rin siya sa isang swing.

"Bakit mo nga pala ako hinalikan kanina?"

"Di ba I already told you. You are my fiancé."

"Di ba joke yun?"

"I am not joking. I'm your fiancé seriously. At huwag kang lalapit sa ibang boys."

"Wala namang nalapit sa akin. Nerd nga ko di ba? Halata naman. Glasses."

"Sa ganda mong yan walang nalapit sa iyo. They're stupid."

"Bolero. Paano naman kita naging fiancé ha?"

Lumuhod siya sa harap ko.

At hinawakan ang kamay ko.

"Basta. Fiancé mo ako huwag ka ng maraming tanong."

At hinalikan niya ang noo ko.

Nanlaki ang mata ko.

Tumayo na siya.

"See you around, my Jane."

And he left me.

Ano ba yun?

Jane dalawang beses na siyang nakakahalik sa iyo. Abuso na yun ha. Hindi ko naman boyfriend.

Pero fiancé ko daw siya eh di ganon na rin yun.

Mali! Ano ba itong iniisip ko.

Tiningnan ko kung nasaan na siya.

Pero wala na siya.

Poging stranger, sino ka nga ba?

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon