25- Mr. & Ms. Popular 20** & Confession???

187 9 1
                                    

FOUNDATION DAY

__________   

Central Gymnasium

"Good afternoon ladies and gentleman boys and girls of all ages, are you ready for the Mr. and Ms. Popular 20**?"

Narinig ko ang sigawan ng mga estudyante, magulang, mga guro bisita at kung sino pang trespassers sa school namin. Nandito kaming mga girls sa right side ng stage at obviously sa left side ang boys. Katulad ng una kong sinuot na damit ay kating-kati rin ako dito. Naku! Kapag nakita ko si Mommy magrereklamo ako.

Rinig ko ang ibang contestants na pinag-uusapan ako. Nagbubulungan pa dinig ko naman sila. Lalo na yung mga sirena na yun!!! The Shrine? o The Sinister??? Tss. Sa totoo lang ako ata ang may pinaka-ugly creature na nakuha. Kita ko sa tapat ko si Jerome syempre GGSS kaso may sarili siyang definition doon

insert------> Jerome's Handsome Dictionary

GGSS abbreviation Gwapong-Gwapo Sila Sakin

pero alam nating lahat gwapong gwapo sa sarili yung lalaki na yun.

May dala-dala siyang kung anong stick yun. Naglakad siya palapit sa akin.

"Hey Loner! Look at my abs." Sabi niya sabay lagay ang kamay sa bewang niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Yuck! Abs daw?! San banda? Sa Noo?

"I can't believe it! All of the girls even gays nagkakandarapa dito! Pero you, tinaasan lang ako ng kilay? You know I look like a Greek God right now. "

Hinampas ko nga ng galamay ko. Yes galamay imagine niyo na lang ang costume ko. Search niyo sa google kung hindi niyo kilala. Isang Dark Violet? tube dress ang suot ko na may galamay effects sa dulo pinagsamang gray and violet ang color yung buhok ko itinaas din na katulad nung Kay Ursula and black pa ang lipstick ko. Kung iba ang description ko sa nakita niyo sa Google (Kung nag-search kayo) natural iniba ko para hindi naman super ugly akong tingnan pero nandoon pa rin ang evil aura.

"Di bagay sa iyo." Yun lang ang naging comment ko.

"Ang gwapo ko kaya. Sigurado panalo na ako."

"Paano mo naman nasabi?"

"Ang gwapo ko kasi."

"Doon ka na nga!"

At hinampas ko uli siya ng mga galamay ko.

"Okay! Girls Boys start na kaya mag-ready na."

Wala si mommy pero nandito yung mga assistant na kung sino mang mag-aayos sa akin. Hindi ko pa nga nakikita si Jeron.

Nag-start na yung music narinig ko na ang kantang Pearly Shell. Ang baduy di ba? Si Arianna naka Little Mermaid red hair siya ngayon.

"Hi Everyone! Yeah I know I'm pretty I'm Arianna D. Galante representing BS Education by the way I'm Sophomore!"

Pumalakpak naman yung iba mga 3/4 ng crowd.

Next naman kung sino man then Bianca? Naka Mother Pearl siya may malaking shell sa likuran at malaking pearl na nasa ulo niya. At halatang nabibigatan siya. Ikaw ba naman ang mag suot noon na mas malaki pa sa ulo mo.

"Goodafternoon!"

Opo goodafternoon. Magkadugtong yun hindi good afternoon talagang goodafternoon.

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon