28.2- Lost and Found

138 1 0
                                    

Day 2

"Today magkakaroon tayo ng parang treasure hunting. Every pair ay magkakaroon ng map para nakita niyo kung saan matatagpuan ang mga papel na magsisilbing mga clues niyo to find the treasure. So the pair is base on your numbers na binunot niyo earlier. Find your partners now."

"Baby Jane anong number mo?"

"Four."

"Ha? Ano ba yan?! Five ako! Sino kayang may hawak ng four? Makikipagpalit ako ngayon din. Diyan ka lang Baby Jane."

Luminga-linga muna si Jeron pagkatapos makuntento sa scanning powers niya ay naglakad si Jeron sa iba pa naming schoolmates.

"Uy anong number mo?"

"0916---"

"Awan! Anong hawak mo? Nasa inyo ba ang four?"

Lumapit sa akin si Jerome.

"Jane anong number mo?"

"Four bakit?"

"Really? Four din ako!"

Sabay pakita sa akin ng papel niya. This is Four you.

"So partner tayo?"

Tumango siya.

"Uy Baby Jane hindi ko mahanap yung number four---anong ginagawa mo dito kulugo?"

Inakbayan ako ni Jerome. Sinamaan niya naman ng tingin si Jerome.

"Partner kasi kami ni Jane."

"Ano?! Bakit? Hindi yan pwede!"

"Wala ka ng magagawa. Belat!"

Sabay dila niya kay Jeron.

Kaya biglang lumapit si Jeron napakaseryoso ng mukha niya. Tila yung masamang aura niya lumalabas. Yung masayahing Jeron parang biglang nawala. Nakakatakot siya. Nasa tapat na siya ni Jerome. Ready na ako sa panibagong World War 3 ng...

"Uy palit naman tayo." Mabait na sabi ni Jeron kay Jerome sabay himas pa sa balikat.

Ha?!

Muntikan na akong matumba.

"Utot mo! Pahirapan nga ako sa pakikipagpalit ng number four eh."

May binulong si Jerome kaso hindi ko marinig.

"Ano?"

"Ah. W-wala sabi ko hindi ako makikipagpalit ng number dahil ako naman ang nakakuha nitong number."

Sumingit si Jeron.

"Uy dali na palit na tayo."

"Pare I am courting Jane tapos ibibigay ko siya sa iyo. That's kindly unfair you know."

"What? Sinong may sabi na pwede mo siyang ligawan?"

"Siya."

Sabay turo sa akin ni Jerome.

"Ha? Ako?"

Turo ko sa sarili ko. May sinabi ba ako dati?

Pumalakpak na si Sir Joe Quer.

"Okay let's start!"

Tiningnan ni Jerome ang map. Bahala na siya dun hindi ako marunong magbasa ng map. Iba-iba ang itsura ng map namin pero iisa lang lugar ang pupuntahan namin. Kaya magkakandaligaw-ligaw kami.

"Dito tayo Jane!"

Mukhang excited talaga itong si Jerome. Kaya sinundan ko na lang siya.

"Ito nga yung puno na may malaking bato. Nandito lang siguro yung papel...ito!"

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon