26- I won & Camping???

173 10 1
                                    

Kasalukuyang nandito ako ngayon sa kama ko at nakayakap ako sa tuhod ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Eh ano ngayon kung umalis siya? Ano naman kung hindi niya ako pinansin nung tinawag ko siya? Ano naman kung...

Napasabunot ako sa sarili ko. Bakit ba ako nafru-frustrate ng dahil sa kanya? Isa pa nga pala si Jerome. Ano ba ang dapat kong isagot?

flashback ~~~

"Loner ka ngayon. Di ba sabi ko ayaw ko ng mangyari iyon sa iyo. Dahil nandito na ako."

"Ah... t-thanks?"

Narinig ko siyang tumawa.

"Bakit ka tumatawa?"

"Ah wala. Para kang si Cinderella. Maganda na nga ang nangyayari tapos bigla kang tumakbo sa pinaka-exciting part ng kwento. Jane , my runaway princess."

Cinderella. Naalala ko tuloy si Jeron.

"Jerome seryoso ka?"

"Sa confession ko? Yes my princess."

"Bakit ka ba tawag ng tawag ng prin...cess?"

flashback in flashback~~~   (Note: Sana gets niyo! xD)

Dear Princess,

                    Sana tanggapin mo ang rose na bigay ko. Sign ng pag-confess ko ng love para sa iyo. Good luck sa contest na sasalihan mo. I hope that you will win. At promise magkakaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa iyo ang nararamdaman ko sa araw na iyon. See you at the contest Ms. Jane.

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon