1-First Meeting

661 14 6
                                    

Ako pala si Jane. Isang mayaman na damong ligaw.

Oo mayaman ako. Damong ligaw nga lang.

Naglalakad ako ngayon papunta sa first class ko. First day of school.

Central Academy. Name of my school. Central dahil ito ang sentro. School ng mayayaman, may pangalan (hindi literal na name ha) at magaganda at gwapo.

Kaya ko nasabi na damong ligaw ako kasi

Ang school na ito ay parang isang garden na napapaligiran ng maraming magagandang bulaklak at dahil mayaman ako nakarenta ako ng lupa para ako ay tumubo doon.

Magsisimula na akong magkwento. Ganito kasi y---.

"Aray."

Nilampasan lang ako ng magandang nilalang na iyon. Di man lang nag-sorry dahil natulak ako.

Mayaman ako may pangalan sa larangan ng business ang family ko. Problema lang I'm such a nerd. Di ba magaganda ang nakakapasok dito?

Anong akala niyo sa akin dahil nerd di na maganda?

May pinagmamalaki rin ako.

Maganda naman ako tamad lang akong mag-ayos. Hindi naman ako magsasayang ng 2hours para sa girly thing and stuffs or whatever. Tama na ako sa pulbo at matinong shirt & pants.

Nagtataka nga ako. Gustong gusto ng mga babaeng iyon na mag-heels. Mayaman nga shunga naman. Papahirapin ang sarili sa paglalakad para magmukhang matangkad.

Ginagawa nila yun para may class.

Basta ba nakasalamin nerd na?

Yung mata ko kasi sobrang linaw ayun lumabo.

Loner ako dahil ayokong makipagplastikan.

Pumapasok sila para magyabang na...

'I have a new car.'

'I go to Paris...Rome...Europe....America....'

'I have new jewelries'

At kung anu-ano pa.

Paulit-ulit na lang.

Bitter ba ako.

Oo.

Loner din ako sa mansiyon ko.

Oo. May sarili akong mansiyon.

Solo naman ako dun dahil parents ko kung san-san bansa na nakakapunta.

Business.

-Kringggg-

Bell yan.

Nagmadali akong pumunta sa room ko. And nag-start na ang class.

-cafeteria

Walang nakapila pero puno ng tao ang cafeteria.

Namimili ako ng pagkain ko.

Kuha kuha.

Naghanap ako ng mauupuan. At nakita ko na bakante ang isang sulok ng cafeteria at nag-iisa yung upuan.

Nagsimula na akong kumain...

Grabe talaga itong mga mayayaman na estudyante ito.Cafeteria ba ito, kainan hindi lugar ng payabangan at chikahan.

Sa tingin niyo malungkot ang buhay ko. Nagkakamali kayo dahil sobrang boring ito.

Wala ngang excitement na nangyayari sa buhay ko.

Wala akong friends dahil boring daw akong kasama.

Nakakabagot lang kasi silang kausap.

Mag-uusap kung nadagdagan ba ang mga kayamanan nila.

Busog na ako.

Clean as you go.

Policy yan. Policy ko sa sarili ko.

Ayokong nag-iiwan ng marurumi kung saan-saan.

Hindi naman ako tamad kaya nililinis ko na rin.

Wala pa akong class mamaya pang 1:30 ang tagal ng vacant time ko.

Kaya pumunta muna akong school garden para magbunot ng ligaw na damo.

Inimagine ko na ako yun.

Nagsabi na ako kay Daddy noon na ayokong mag-aral dito pero bawal ko siyang kalabanin.

Isa kasi akong damong ligaw na dapat inaalis na pero si Daddy dinidilig pa rin ako kaya nandito pa rin ako.

Gusto ko lang ng simpleng pamumuhay kaya ayun ang simple ng life ko.

Saklap.

Lalabas na nga muna ako ng school.

"Kyaaahhhhh!!!!!"

At bigla na lang akong natabunan ng mga babaeng haliparot na ito.

Saan ba ako dadaan.

Bigla na lang dumammi ang mga tao.

Di na ako makahinga eh.

"Excuse me. Dadaan lang."

Sabi ko sa mga ito kaso mga bingi di ako makadaan.

"Oh my gosh! Who is that handsome creature?"

"Transferee ba siya?"

"Ang pogi!"

"He will be mine."

"Sinong hinahanap niya?"

Tae yang nilalang na pinagkakaguluhan na yan.

Dahil sa kanya di pa ako makaalis.

"Papalapit siya dito!!!"

Ah! Sakit sa tenga!

Biglang nag hawian ang mga tao sa harapan ko.

Hay buti naman nawala na ang hara.

Maglalakad na sana ako ng may humigit sa akin.

"What the---"

Ang pogi naman nito.

"Where are you going?"

Ito kaya yung pinagkakaguluhan kanina?

"It's none of your business."

"I am glad that I finally found you."

Nakangiting sabi niya sa akin.

"Hey! I don't k---"

Natigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong...

Hinalikan.

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon