16- Jealousy Kills

225 10 2
                                    

Napataas ako ng kilay na kasing taas Burj Khalifa na nasa Dubai.

Nasa café kami. Yung ginawa ng class namin. Hindi agad kami umuwi dahil dun sa babaeng yun.

"Ah Baby Jane si Joanna nga pala." Pinakilala niya sa akin yung babaeng yumakap sa kanya kanina.

"Nana si Baby Jane. KAKILALA ko."

Whuuttt??? Kakilala??? Di ba sabi mo ako ang iyong... Ay wait Nana???? Sa kanya Ronron. Ano sa akin Nene???

"Hi Baby Jane!" Bati sa akin nung Nana. Tapos nag smile pa siya sa akin.

"Hello. Jane lang walang baby." Bati ko pagkatapos sinubo ko yung straw mula sa strawberry shake ko at uminom.

Pinagmasdan ko yung Nana. Di naman kagandahan maputi lang. Tapos... napatingin ako sa bewang niya. Ilang inches yun??? Ang payat!!! Tapos ang tangos ng ilong niya at ang red ng lips. Makinis din. wala namang make up pero...Okay! Maganda na nga siya.

Tiningnan ko yung dalawa. Ang saya nilang nag-uusap. Ang landi nitong lalaking ito ah!!! Di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Basta tawa sila ng tawa. out of place na ako eh. Mukha pa akong chaperone nila.

Tumayo ako.

"Excuse me lang."

"Ok."

Ok??? Yung lang ang sinabi ng lalaking ito?

Makaalis na nga dito. Kinuha ko yung bag ko.

"Bakit mo pa dala ang bag mo."

"Wala kang paki."

"Ok."

Tae ok lang??? Di man lang tatanungin kung saan ako pupunta?

Bahala siya diyan.

Lumabas na ako dun sa kape kapehan na yun. Pumunta na ako sa parking lot at nakita ko dun naghihintay yung driver ko pero bago pa ako makalapit may humarang sa akin.

"Ms. Loner okay ka na ba?"

"Ah. Thank you Jerome. I'm ok."

"Are you sure?"

"Oo. Uuwi na ako."

"Labas muna tayo."

"Nasa labas na tayo ah."

"No. I mean baka gusto mong mag ice cream or something?"

Kaiinom ko lang ng shake. Tumingin ako sa relo ko.

5:02

"Ok."

Doon sa sasakyan ko na lang kami sumakay para mamaya diretso na ako pag-uwi.

Nasa malapit kaming ice cream parlor. Gusto ko ng ice cream okay na naman pakiramdam ko. Kailangan ko lang ng pampalubag loob.

Vanilla ang flavor ng ice cream ko siya. Chocolate.

"So kamusta na yung pakiramdam mo?"

"Ok na ako."

"Pero kanina bakit mukhang kang papatay?"

Papatay?

"Wala."

"Nasaan nga pala yung chinito na kasama mo lagi."

"Awan."

"Bakit ang ikli ng sagot mo?"

"Ewan."

"Nakakapanis ka ng laway."

"Ah."

Bigla akong nakaramdam ng malamig sa pisngi ko.

Inilagay pala ni Jerome yung bowl ng ice cream niya sa pisngi ko.

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon