19- The Accident

222 8 2
                                    

Nag-lalakad na kami ngayon ni Jerome kasama si Manong Efren para ihatid kami papunta lugar kung saan ibinaba ni Jerome ang motor niya. Nang may napansin ako.

"Teka."

Tumigil kami ng sandali.

"Bakit Jane may problema ba?"

Dahil natatanaw ko na ang lugar kung saan naiwan yung motor niya at sa lugar kung nasaan ang bahay niya.

"Jerome sabihin mo nga, bakit kahapon ang tagal natin bago makarating sa bahay na iyon samantalang ang ikli lang naman pala ng distansyang lalakarin."

Hindi siya tumitingin sa akin.

"Ah?? Dahil gusto ko munang mamasyal? Masarap ang hangin kasi. Oo yun nga ang dahilan. Hehehe."

Kaduda-duda itong si Jerome. Kung di ko lang itong kilala iisipin ko na may binabalak siya sa akin.

Nandoon na kami.

"Sigurado ka Jane gusto mo ng umuwi? Sayang mangangabayo pa sana tayo o kaya mamimitas ng mangga. Pati may bunga pa mandin ang mga buko ngayon."

"Sorry Jerome sa susunod na lang okay? Kailangan ko ng umuwi."

"Sige. Manong Efren una na po kami."

"Sige hijo ingat kayo sa pag-uwi. Mabato pa mandin sa daan."

"Paalam na po Manong Efren. Masaya po akong nakilala ko po kayo."

Lumapit na kami sa motor. Sasakay na naman ako dito?

"Jane nasaan ang helmet mo?"

"Ha?"

"Nasaan ang helmet mo?"

"Naiwanan ko ata doon sa inyo."

"Balikan natin."

"Huwag na. Ang tagal pa ng biyahe hahapunin pa tayo."

"Isuot mo na lang ito." Sabay abot sa akin ng helmet niya.

"Huwag na. Bilisan na natin."

"Pero..."

"Dali na."

Pagkatapos sumakay na kami sa motor niya. Habang nasa biyahe tinanong ko siya.

"Jerome bakit mo ba ako dinala dito?"

"Gusto ko kasing iparanas sa iyo ang maging biktima ng Texas Chainsaw kaso wala pala yung kaibigan ko. Sayang."

"Tumigil ka nga! Mamaya kita babatukan. Kung hindi ka lang magmamaneho. Pero bakit nga?"

"Malalaman mo rin sa tamang panahon."

Itong si Jerome pasuspense pa. Hindi na lang sabihin. Inayos ko ang buhok ko na kanina buhol-buhol dahil sa hangin. Hanggang saan ba dito ang pag-aari ni Jerome? Mayaman pala itong kulugong ito. Natural pang-mayaman ang school na pinapasukan niyo.

Kulugo? Kailan ko pa tinawag na kulugo si Jerome?

"Ang ganda dito."

"Gusto mong bumalik?"

"Hmm. Pag-iisipan ko."

"Pag-iisipan gusto rin naman. Basta sa susunod magdala ka na ng damit dahil kulang ang isang araw para mamasyal dito sa JP Farmhouse!"

"Ewan ko sa iyo."

*tooogsh!

"Aray!"

"May masakit ba sa iyo?"

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon