15- Who's That Girl?

228 9 0
                                    

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nakikipag eye to eye sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog. Bakit kasi iniwanan ko na lang si Jeron kanina. Eh di lalong inisip nun na nagseselos ako.

Ano bang sasabihin ko sa kanya?

"Sino ba yung babaeng yun?"

"Hindi naman maganda yun!"

"Gumaganti ka ba dahil kasama ko si Jerome?"

Ahh!!!

Napasabunot ako sa sarili ko. Bakit ko ba yun poproblemahin? Ano ko ba siya?

Paikot-ikot ako sa kama ng biglang...

*dingdong*   * dingdong*

Teka anong oras na ba?

*dingdong* *dingdong*

Sumigaw ako

"Manang may tao po!"

*dingdong* *dingdong*

Pero patuloy pa rin sa pagdoorbell ang taong nasa labas.

Tumingin ako sa wall clock ko.

11:28

Teka gabing gabi na baka tulog na si manang.

Sino yun? Magnanakaw? May magnanakaw bang magdodoorbell sa nanakawan niya?

Bumangon ako at isinuot ang tsinelas ko. Pumunta ako sa storage room at kinuha ko yung lumang walis tambo dun.

Dahan-dahan akong bumaba papunta sa may pinto.

*dingdong* *dingdong*  *dingdong* *dingdong*

Grabe ha pinaglaruan pa ang doorbell ng bahay ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at ihahampas ko na sana yung tambo sa magnanakaw ng biglang...

"Wait lang Baby Jane!"

Bigla akong napatigil.

"Anong ginagawa mo dito?"

________________________

Inilapag ko sa table ang isang tasa ng black coffee.

"What the hell are you doing here in the middle of the night?"

"Wait Baby Jane. Iinom lang ako."

"Jeron anong oras na kaya?"

"Wala akong dalang relo."

Napa-facepalm ako.

"Sira. Ang ibig kong sabihin bakit ka nandito eh gabing-gabi na. Pati paano ka nakapasok dito?"

"Tulog ang guard. Sumusweldo sila pero natutulog naman."

"Don't change the topic."

"May ginawa kasi ako. Halika."

At bigla siyang naglakad palabas ng bahay. Dahil curiosity kills sinundan ko siya. Pumunta kami sa likod ng bahay ko kung nasaan ang garden at pool. At doon ko nakita ang mga tea candle na naka heart shaped at sa loob noon ay isang white cartolina na may nakasulat na:

I AM SORRY

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Because you are jealous?"

Biglang lumakas ang hangin kaya napayakap ako sa katawan ko. Naka sleeveless top at manipis na pajama lang ako.

"Tingnan mo pati kalikasan nayayabangan sa iyo."

"Nagsasabi ako ng totoo. You are jealous."

"Akala ko ba pumunta ka rito para mag-sorry. Bakit mo ako inaaway?"

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon