10- Sleepless Sleepover

309 9 0
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko.

Hindi ako makatulog.

Katabi lang kasi ng kwarto ko ang guest room.

Kasi naman si Daddy dito pa pinatulog si Pogi.

Tulog na kaya siya?

Eh ano naman.

May pakialam ka ba dun Jane?

Matutulog na  nga ako.

Tik tok tik tok...

What the?!

11:00 na di pa rin ako tulog?

Kailan pa ako nagka-insomia?

Kadalasan kasi 7 or 8 tulog na ako.

Hindi naman ako concern sa kanya

Kaso...

Lumabas akong kwarto.

Sisilip lang naman ako kung maayos ba ang pagkakatulog niya.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob.

Buti hindi naka-lock.

Sisilip na ako.

"Baby Jane anong ginagawa mo dito?"

"Ay poging chinito!"

Tae yan!

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Ano ba! Nakakagulat ka ha! Kapag ako namatay sa sakit sa puso!

Pinalo ko yung braso niya.

Wow muscles!

"Eh di ibibigay ko ang puso ko."

"Makabalik na nga sa kwarto."

Pabalik na sana akong kwarto ng bigla niya akong hinigit papasok ng guest room.

"Ano ba?!"

"Ssshh! Huwag kang  maingay."

"Pwede akong mag-ingay bahay ko ito."

"Baka kasi magising sina Manang."

Napatikom ako.

Oo nga ano.

Kawawa naman sila.

"Bakit mo ba ako hinila?"

"Hindi ako makatulog."

"Namamahay ka?"

"Hindi. Para na kasi tayong magkatabi nakahara lang yung pader."

Tapos tumingin siya sa akin.

Pacute lagi ito.

"Teka Baby Jane bakit gising ka pa at bakit ka nasa may pinto?"

"ha?"

Anong isasagot ko?

Na sinisilipan ko siya?

Pwe! Mali yung term ko.

Tinitingnan ko siya kung maayos lang siya.

"A-ano kasi pupunta akong cr. Yun oo tama pupunta akong cr."

"Ah. Akala ko tinitingnan mo ako kung tulog na ako."

Mind reader?

"Pero teka di ba may cr naman ata sa kwarto mo?"

"Ha? Ano... sira yun. oo nga sira."

Oo nga sira. Sira Ang ulo mo Jane.

"Babalik na ako ha?"

My Beautiful Love Story (JARON FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon