Chapter 14
Daniel's POV
Ano ba yung pinagkakaguluhan nila? O di kaya ay sino?
Sa pagisip-isip ko kung ano o sino ang pinagkakaguluhan nila ay hindi ko namalayan na may taong patakbo dito sa direksyon ko. Kaya ang nangyari ay nabangga siya sa akin at natumba. Mukhang nagmamadali dahil napaupo siya sa sahig.
"A-aray," sabi naman nung nakabangga sa akin. Oo, nakabangga at hindi nabangga. Eh kasalanan ko ba namang hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. Mabuti nalang at wala siyang dalang kahit na anong pagkain kundi nako. Malilintikan talaga 'tong babaeng 'to. Oo, babae.
Tininggnan ko lang siya doon na nakaupo sa sahig habang hinihimas niya yung noo niya.
Maya-maya ay tumingin siya sa akin ng masama.
"What?"
"Ikaw nanaman?!"
Ms. Santiago?
Napangiti ako. Hahaha! Time for the dare to succeed.
"Ms. Santiago? Akalain mo 'yun? Ayiee~ pinagtagpo talaga tayo ng tadhana."
"Tumahimik ka!"
"Yiee~ hindi ka ba kinikilig diyan? Ahh, siguro tinatago mo lang na kinikilig ka na ngayon. Ayiee~"
Tumayo na siya at pinagpagan ang sarili niya.
"Alam mo Mr. Padilla, 'wag kang feelingero!"
"Bakit naman Ms. Santiago? Sino namang may sabi na bawal akong mag-assume?" sabi ko sa kanya saka nilapit ko ang mukha ko sa kanya
Sa ginawa kong 'yun ay nasaksihan ko ang pamumula niya. Hahaha! Sabi na eh. May gusto 'to sa akin.
Nilayo ko na ang mukha ko sa kanya nang hindi siya nakasagot sa tanong ko.
"Yiee~ sabi na eh. May gusto ka sa akin. Salamat Cupid at mutual ang feelings namin! Sa---"
*bogsh*
"A-aray."
"*smirk* That's what you get for what you've done Mr. Padilla. Your welcome. Ciao~"
'Yun yung huli niyang sinabi bago siya makaalis sa harap ko.
Babae ba 'yun?! Ansakit ng suntok niya ha. To think na sa sikmura niya ako tinamaan. Feeling ko masusuka ako maya-maya.
Ansakit talaga.
Gaganti ako sa'yong babae ka!
Ansakit lang talaga ng sikmura ko. X.X
-----------
Kath's POV
Huh. Ano ka ngayon Mr. Padilla?
Nagmadali na akong pumunta sa classroom ko dahil malelate na ako. Mabuti nalang at wala pa ang masungit naming teacher sa pagdating ko sa classroom.
"Alam mo ba?" girl 1
"Ang alin?" girl 2
"Na may transferees daw." girl 1
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Gangster
FanfictionSi Kathryn ay babae, malamang. Kaya nga Kathryn 'di ba? But, here's the deal, she's a nerd, but at the same time a gangster. How cool is it?