Chapter 6

7.3K 166 11
                                    

Chapter 6


KATH'S POV

IT'S A BRAND NEW DAY! Lalalalalala!

Today is another day to put a smile on my face. Pero sana naman hindi muna magpakita si Mr. Padilla ngayon... kasi baka masapak ko yun kahit labag sa kalooban ko.

Hep, hep, hep! Its not what you think! Hindi ako concerned sa kanya okay? Sadyang ayaw ko lang talagang pagtsismisan sa school.

Pero dahil it's a new day, ginawa ko na ang normal and morning rituals ko. Nung tapos na ako, bumaba na ako para makasabay sila mommy at daddy sa breakfast.

"GOOD MORNING MOMMY AT DADDY!"

"Oh, good morning anak. Mukhang masaya ka ngayon ah? Ano meron? Baka naman may tinatago ka na sa amin... ayyiiiee... may lovelife na ba baby namin?" mommy. Seriously mom? Lovelife agad? Di ba pwedeng it is a new day muna? =_=

"Mommy naman. Hindi ba pwedeng gumising nang ganito kasaya sa isang bago na araw?"

"Naks naman. Nagiging makata na ang aming baby." daddy =_=

"Dad naman. Ganito kasi yan mommy at daddy, since it's a new day, kailangan natin maging masaya dahil we will be encountering a new day. A new day means a new life. God gave us another day to be alive kaya karapat-dapat lang nating ngumiti at maging masaya sa bago na buhay na binigay niya sa atin. Kaya kung magtatanong ulit kayo sa susunod wag na po. Naexplain ko na eh. Hehehe..." mahabang pageexplain ko sa kanila

"Ahhhh... pero magiging masaya ka pa kaya kung may malalaman ka na hindi mo gusto." daddy. Hindi ko na narinig yung last na niyang mga sinabi. Pabulong eh.

"Po?" tanong ko tapos biglang tiniggnan ni daddy tapos biglang tumango si mommy. Eh? Anumeron?

"Ganito kasi yan baby, isasama ka namin sa business trip namin sa Tagaytay. Kailangan ka kasi namin dun eh." daddy


"Ahhhh---ANO?!"


"Anak please sumama ka na sa amin. Kailangan ka namin dun. At isa pa, mageenjoy ka rin dun sa----"


"Mommy naman diba po ayaw kong mag-absent? Ayaw kong makamiss ng lesson. >3<"

"Baby naman. Please. Para sa amin ng daddy mo."


"Teka, san ba tayo pupunta?"


"Sa Tagaytay." daddy


Biglang lumiwanag yung mukha ko nung narinig ko kung saan kami pupunta. Waaahhh! Talaga? Sa Tagaytay?


"Sa Tagaytay po?"

"Oo. So ano sasama ka sa amin?"

"Pag-iisipan ko pa po... hmmm... hindi na pala kailangan pag-isipan kasi GUSTO KO PONG BUMALIK SA TAGAYTAY! Yes! Excited na ako..."


Eh pano ba naman kasi dun ako nagstay ng 5 years. Yep! 5 years. Dun na kami nagstay when I was 3 years old. And siyempre namiss ko din yung mga naging kaibigan ko dun noh! Yung mga girl bestfriends ko dun may communication pa kami. How? Mommy. Magkumare kasi yung mga mommy nila sa mommy ko. Yung communication namin is through cellphone, internet ganun. Hindi pq namin ulit nakita yung isa't isa ng personal. Yung boy bestfriend ko naman hindi ko na alam kung nasan yun. Hindi na kasi ako nakapagpaalam pa sa kanya. Iniwan ko nalang siya basta-basta. Ayaw ko kasing magpaalam sa kanya kasi talagang mas mamimiss ko siya sa pagkamiss ko sa kanya ngayon. Ah, tama. May isa pa pala akong naging kaibigan na lalaki dun. Nakalimutan ko pangalan nun eh. Di bale. Itatanong ko nalang kay Juls. Ah" si Juls? Isa siya sa mga girl bestfriends ko noon hanggang ngayon. Sa susunod ko nalang siya I mean sila sa inyo. Katamad eh. Musta na kaya sila?

"Pack your things now Chandria dahil mamayang 3pm tayo aalis at may mga kasama pa tayo." daddy

"Po? Agad-agad?"

"Oo baby, kaya pagkatapos mong kumain diyan umakyat ka na at mag-impake." mommy

"Ilang araw po tayo dun?"

"1 week." daddy

*o* Wahhh! As in?! Excited na talaga ako...! Wahhh! Can't wait! *o*

"Po?! Wahh! Exciting toh!"

Maya-maya umakyat na ako para mag-impake tapos biglang nagpahirit si mommy...

"Baby, dala ka ng mga dresses ha?"

"Opo!"

Ugh. Bakit ba kailangan ng dresses? Di ba pwedeng wala nalang? Pero dahil excited ako, mag-iimpake ako ng maraming dresses! *o*


TAGAYTAY HERE I COME!!!!

------------

DANIEL'S POV


New day. Monday na naman. Meaning school day. =_= Hayyysss... hirap talaga maging estudyante...

"Good morning ma, pa."


"Good morning anak!" mama...


Psh... palagi nalang si mama yung gumigreet sa akin... si papa? Ayun tumango lang. Psh. Palibhasa, utak nun puno ng paperworks. Wala ng oras para sa sariling pamilya.


Umupo na ako sa hapag kainan at nagsimula nang kumain pagkatapos kong magdasal. Bat ba ganyan palagi si papa? Yung tipong palaging busy sa trabaho? Masyadong occupied. Kaya nga naimbento yung salitang 'day-off' eh. Para makapagpahinga tayo. Bet ko, may tatawag sa kanya in...

5

4

3

2----

*kring*  *kring*

Tamo. Hindi pa natapos yung countdown ko nagring na agad. Hanep! Bigla siyang nag-excuse sa amin at tumayo para kausapin yung tumawag. Psh.


Maya-maya bumalik na siya sa mesa at nagsalita...

"DJ, isasama ka namin sa business trip namin. 3pm yung alis at ngayong araw na yun. Mag-impake ka na pagkatapos mong kumain." daddy. Tamo. DJ tinawag sa akin. Tapos kung makapag-utos.

"Eh pano po si JC?"

"Dito lang siya. Ikaw yung mas kailangan namin ngayon." mama

"Sige po. Eh san po tayo pupunta?"

"Sa Tagaytay."

"P-po?"

"Sa Tagaytay. Kailangan pa bang ulitin yun DJ? Hindi mo ba narinig yung mama mo? Tss..."

"Sige po, akyat na po ako." sabi ko tapos umakyat na.

Tagaytay. Tagaytay. Tagaytay.

Sa dinami-daming lugar na pupuntahan namin sa Tagaytay pa talaga? Naman oh!

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon