Chapter 15

4.3K 89 0
                                    

Chapter 15



*splash*



Kathryn's POV


Bigla akong napagising nang may nabuhos sa akin na malamig na tubig. Grabe ha.


"Well, well, well. Gising na ang ating prinsesa. Mabuti naman at umepekto sa'yo ang malamig na tubig? Hahaha!" Rinig kong sabi ng isang babae. Sino ba 'yan?


Inayos ko muna ang paningin ko at nung okay na ay tiniggnan ko ang babaeng nagsalita.


"Sino ka?! At bakit ba ako nandito?!"


"Ikaw? Dito? Bakit? Well, simple lang. Ayaw kitang makitang nasa labas kaya kita pinasok dito."


What? Ano raw? Nagbibiro ba ang babaeng 'to?


"Ano? Hindi kita maintindihan. Alien language ba 'yan?"


Gumalaw ako pero hindi ko magawa dahil sa lubid na nakapulupot sa katawan ko. At idagdag mo pa 'yung kadena sa may paa ko. Wow. Just wow.


"Pakawalan mo nga ako rito!"


Gumalaw-galaw ulit ako pero talagang matindi ang pagkakatali ng lubid na nasa katawan ko.


"Why would I Kathryn Bernardo?" sabi niya at kahit hindi ko nakikita, alam kong naka-smirk siya


H-how? Naka-disguise naman ako diba?


Tinignan ko ang sarili ko at oo nga, naka-disguise ako. Pero p-paano?


"Masyado bang nakakapagtaka, Ice?" sabi nito na may nakakalokong ngiti nang medyo tumapat siya sa may liwanag ng lugar na ito


The heck?! Sino ba 'tong babaeng 'to?!


"Bakit Kathryn, masyado na ba akong madaldal? Hmm, Ice?"


Ginagalit talaga ako ng babaeng 'to eh! Sino ba siya?! Hindi ko rin naman siya masyadong makita dahil nasa madilim siya na parte ng lugar na 'to. In short, nakatago siya.


Pero alam niyo, familiar ang boses eh.


"Teka lang ha, kilala ba kita?"


Aba'y mabuti na't sigurado.


"Ako? Hmm, sabihin nalang nating oo,"


Teka, oo? Seryoso?


"Seryoso?"


That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon