Chapter 30

3.7K 74 1
                                    

Chapter 30

Kath's POV

"I miss you, Ria."

"I miss you, Ria."

"I miss you, Ria."

I snapped out of my thoughts when someone shook and called me. "Kath!"

"J-Juls? Bakit?"

"Okay ka lang? Kanina ka pa tulala."

Tumango ako sa kanya. "Okay lang ako. Medyo may iniisip lang," sabi ko at tumayo.

"Tara na. Lunch na tayo," sabi ko sabay hila sa kanya palabas.

"Karia!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Bakit?"

It's Daniel. Kasama niya ang barkada niya.

"Hi, girls!" bati nila

"Hi rin sa inyo!"

Kumunot naman ang noo ni Daniel nang makita ako. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Tinignan din niya sina Juls. "Kayo rin?"

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Tsaka, bakit wala kayo kahapon?" seryosong sabi niya

I gulped. O-kay? Why do I have this feeling that I have to explain everything to him?

I gulped again before answering. "W-wala naman. M-may pinaasikaso lang sina mommy sa akin. Dahil marami, tinawagan ko silang tatlo para magpatulong." Tinuro ko ang mukha ko. "Tsaka ito? Naglalaro kaming apat sa may hagdan tapos nahulog kami. Pagkahulog namin ay nahigaan namin ang dalawang pusa na natutulog sa dulo ng hagdan. Kaya ayun." Sana kumagat ka.

Mas lalong kumunot ang noo niya pero maya-maya ay ngumiti na rin siya. "Tara, lunch na tayo," naka-ngiting sabi niya.

I sighed in relief before nodding. Thank you kung saan ka man galing, palusot!

"Hay nako! Buti nalang at lunch na! Gutom na ako!" sigaw ni Kats habang naglalakad kami patungo sa canteen

"Patay gutom ka talaga, Kats!" sigaw ni Lester

"Parang ikaw hindi!"

Natatawa akong nanonood sa dalawa nang biglang tumabi sa akin si Juls sa paglalakad. Siniko niya ako. "Ang galing nung palusot mo ah?" pang-aasar niya

"Ano ba, Juls? Mag-thank you ka nalang," pang-aasar ko rin sa kanya.

Umirap siya sa akin. Hahaha! "Hmp! Pasalamat ka kundi nako."

"Oo na. Oo na."

"A-"

"Pwede ko bang agawin sandali itong kaibigan mo, Julia?"

Napalingon kami doon sa nagsalita.

"Oh. Oo naman, Daniel!" naka-ngiting sabi niya

Tinignan niya ulit ako at kinindatan. "Hanapin ko na muna 'yung dalawang asungot. Bye, Kathy!" sabi ni Juls bago umalis

Hinarap ko si Daniel. "Bakit?"

Inakbayan naman niya ako. Agad ko siyang siniko sa tagiliran. "Ow," daing niya. Arte nito. Ang hina nga lang nun.

"Babae ka ba talaga, Kath?"

Binatukan ko siya. "Sa tingin mo, ganito ba ang itsura ko ngayon kung hindi ako babae?" mataray na tanong ko sa kanya

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon