Chapter 34

3.1K 64 5
                                    

Chapter 34

Julia's POV

"Kath, ano ba?! Itigil mo na nga 'yan!"

Hindi siya huminto sa pagsusuntok sa punching bag na nasa harap niya.

"Kathy girl, please itigil mo na 'yan," pakikiusap ni Miles.

Hindi pa rin siya nakinig sa amin at mas lalo pa niyang nilakasan ang bawat suntok na iginagawad niya sa punching bag.

Lumapit sa kanya si Sue at hinawakan ang balikat nito ngunit tinabig niya lang ang mga kamay ni Sue.

"Ano ba, Kathryn?! Itigil mo na 'yan! Sinasaktan mo lang ang sarili mo! Sa ginagawa mong 'yan hindi lang ang sarili mo ang sinasaktan mo, pati na rin kami!" saad ni Sue.

Nagpakawala ng isang malakas na suntok si Kath dahilan upang matanggal ito at tumilapon. Napaupo naman siya at tuluyan nang nagbagsakan ang kanyang mga luha na batid kong kanina niya pa pinipigilan.

Dinaluhan naman agad namin siya. Niyakap siya nina Miles at Sue. Hinagod ko ang kanyang likod upang patahanin siya.

"M-malaki ang tiwala ko kay D-Daniel. H-hindi niya ako lolokohin. P-pero bakit ganoon? Sa tuwing may i-iba siyang kasama lalo na 'yung si Z-Zhai, hindi ko maiwasang pagdudahan siya. Sabihin ba naman daw niya na g-girlfriend siya ni Daniel." Malungkot siyang tumawa.

"O-okay lang naman siguro na pagdudahan ko siya 'di ba? T-tutal, masyado rin namang mabilis ang mga pangyayari. Tignan mo, ni h-hindi ko nga sukat akalain na mahuhulog ako sa kanya." Malungkot ulit siyang tumawa.

"Ganun t-talaga siguro, ano? Bakit ko ba tinatanong? G-ganun naman talaga eh. P-palagi," umiiyak niyang sabi.

"Sshh, Kath. Magiging maayos din ang lahat."

****

"Para saan 'yun?!"

"Para 'yan sa pagpapaiyak mo sa kaibigan namin!"

Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Umiyak? Sino? Si Karia? S***! Nasaan na siya ngayon?!" nagpapanik na tanong niya sa amin.

"And why would we tell you?" medyo may pagkamataray na tanong ni Sue.

"Sa tingin mo sasabihin namin sa'yo kung nasaan siya kung ganoon na dinaranas niya ngayon nang dahil lang sa'yo?" nagpipigil ng galit na saad ni Miles.

Liningon niya ako.

"Please, Juls. Sabihin mo sa akin kung nasaan siga. Magpapaliwanag ako," nagmamakaawang sabi niya.

Gustuhin ko mang sabihin sa kanya kung nasaan si Kath para magkaayos na silang dalawa, hindi pa pwede. Kailangan pa ni Kath ng oras para mag-isip-isip. Mas makakabuti rin na magkaayos sila kaagad para mapayapa ang utak ni Kath lalong-lalo na na malapit na namin makaharap si Miss. Papalapit na nang papalapit ang araw na 'yon. Ngunit sabi ko nga kanina, Kath needs time. Isa pa baka mawalan siya ng kontrol sa sarili at kung ano pa ang magawa niya sa bruhang Zhai na 'yun.

"Hin-"

"It's okay, Juls."

"Kath?!" gulat na wika ko.

Akala ko ba hindi na muna siya papasok ngayon?

"Karia!"

Agad namang lumapit si Daniel kay Kath at yinakap siya. Hindi 'yon sinuklian ni Kath ngunit pakiramdam ko walang pakialam si Daniel doon basta mayakap lang niya si Kath.

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon