Chapter 17

5K 95 5
                                    

Chapter 17



Julia's POV



Nandito na kami sa labas ng emergency room ng isang ospital at napapalibutan ng mga pulis.


"Ano bang nangyari at nagkaganoon siya?" tanong ni tito habang pabalik-balik sa paglalakad


Pinapatahan ko naman si tita na katabi ko lang.


"H-hindi po namin alam, tito. May tumawag po sa amin kanina at sabi niya may nangyayari raw na masama kay Kath. Ibinigay niya sa amin ang lugar kung nasaan siya at pagdating namin doon ay 'yun na nga — marami na siyang tama ng baril at saksak," pagpapaliwanag ni Miles kahit na umiiyak siya.


"Sino naman kaya ang may-gawa nito?"


"Hindi po namin alam, tito."


Si Sue naman ay naka-upo lang at tahimik na umiiyak. Ako naman, umiiyak pero pilit kong pinipigilan dahil kailangan ng masasandigan ni tita.



****



Ilang oras na kaming naka-tunganga rito sa labas ng emergency room. Naghihintay na lumabas ang doktor at sabihing stable na si Kath.


Ano ba ang nangyari?


'Yan ang tanong naming lahat na naghihintay sa kanya. Wala kaming alam kung paano siya napadpad sa lugar na 'yun at kung ano ang ginagawa niya doon.


"Did you try calling the caller's number?" tanong ni tito


"H-hindi pa po," sagot ni Sue.


"We should call the caller," I suggested.


Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil sa akin tumawag ang caller.


Si tita nakatulog na sa kakaiyak at ngayon ay nakahiga ang ulo niya sa kandungan ni tito. Sabi ni tito kanina na umuwi nalang muna siya para makapagpahinga, pero ayaw ni tita dahil gusto niya raw na kapag lalabas na ang doktor mula sa emergency room ay nandoon siya para siya mismo ang makarinig kung ano na ang nangyari sa kanyang unica-hija.


I dialed the number and it began to ring.


I ended the call and dialed again.


"Tsk." I, for the second time, ended the call.


"Ano, hija?"


"Wala pong sumasagot. Tatawagan ko po ulit."

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon