Chapter 32
Miles' POV
"Kathy?"
Hindi siya kumibo. Ibinalik ko ulit ang paningin kay Kath na kanina pa masama ang tingin sa babaeng nasa kabilang mesa.
"Kathy?"
Hindi pa rin siya kumibo. Napabuntong-hininga ako. Nilingon ko sina Julia at Sue. Napabuntong-hininga silang dalawa saka tumango. We've got no other choice.
"Ano ba?!" paasik niyang sigaw nang maramdaman niya ang hapdi mula sa pagkakasampal ko sa kanya. Oo, alam namin na marami siyang mga pasa pero hindi talaga siya nakikinig eh. Kanina pa kami humihingi ng tawad dahil nakalimutan namin ang tungkol dun sa Golden Bridge. Hindi rin namin alam na pumunta siyang mag-isa kaya humihinhi talaga kami ng tawad pero wala dinededma niya lang kami.
"Kanina pa masama ang tingin mo sa babaeng 'yun. Ano bang meron?" tanong ni Sue.
Napayuko na lamang siya at sumubsob sa mesa.
"Makikinig kami, Kath," sabi ni Juls.
Nanatili pa rin siya sa ganoong ayos. Napabuntong-hininga ulit kaming tatlo.
"Girls."
Napalingon kami sa nagsalita. It's Daniel.
"Oh, Daniel. Kamusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Medyo okay na. Ang sakit pala sa batok."
Nga naman. Tama siya. Na-try ko na rin 'yang naranasan niya noon at p****** lang. Ang sakit!
Napatawa nalang kami.
Napalingon ako kay Kathy. Ganoon pa rin. Wala pa ring nagbabago sa pwesto niya. Hindi niya pinansin si Daniel. Ano bang meron sa dalawang 'to?
Parang nung nakaraan lang nalaman namin na sila na tapos pagkatapos ng ilang araw xold treatment agad? Like, agad-agad? Seriously?
Napansin din siguro nung dalawa na kailangan ni Kathy at Daniel na mag-usap.
Tumayo kaming tatlo. "Aalis muna kami. May aasikasuhin lang," pagpapaalam ni Juls.
"Alagaan mo 'yan ha? Lagot ka sa amin 'pag ganyan pa rin 'yan mamaya," pagpapaalala ni Sue.
"You're so dead."
Tumango naman siya na may matamlay na ngiti.
Naglakad naman kami papaalis ng cafeteria. Nang papalabas na kami ay nadaanan namin ang mesa nung babae na kanina pa masamang tinititigan ni Kathy. Tinignan ko 'yung babae. Kinakausap niya ang mga kaibigan niya. Tinignan ko siya nang maigi.
Teka, siya ba 'yung isa sa mga new students na nakasabayan namin? Inaalala ko kung siya nga ba 'yun nang mapatigil ako dahil tumingin siya sa akin. Nginisihan niya ako kaya kumunot ang noo ko.
"Miles, tara na."
Napalingon ako sa kanilang dalawa na medyo malayo na sa akin. Tinignan ko ulit 'yung babae pero balik na ulit siya sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Sumunod na ako sa kanilang dalawa papalabas.
"Ba't parang ang lalim ng iniisip mo ngayon, Miles? You're not the usual."
"Hindi naman sa ganoon, Juls. 'Yung babae kasi na tinititigan ni Kathy kanina ay pamilyar. Iniisip ko kung saan ko siya nakita. Kung hindi ako nagkakamali, kasabay natin siya sa pagt-transfer dito."
"'Yun ba? Si Zhai ba ang tinutukoy mo?"
Napalingon ako kay Sue.
Zhai?
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Gangster
FanfictionSi Kathryn ay babae, malamang. Kaya nga Kathryn 'di ba? But, here's the deal, she's a nerd, but at the same time a gangster. How cool is it?