Chapter 31

3K 66 4
                                    

Chapter 31

Julia's POV

"Wala pa ba si Kath?"

Umiling silang dalawa sa akin.

"Kontakin niyo nga ulit."

"Ayaw sumagot."

Napaupo ako sa damuhan.

"Kumalma ka muna, Julia."

"Kumalma, Diego?! Kumalma?! For pete's sake! Hindi namin alam kung nasaan si Kath! Baka may kung anong masamang nangyari nanaman sa kanya! Tapos sasabihin mong kumalma lang ako?!"

"Juls-"

Napatigil si Diego nang makita namin si JC na papalapit dito. Hingal na hingal siyang huminto sa tapat naming lima. "Nakita niyo ba si kuya?"

"Hindi namin nakita si Daniel," sagot ni Khalil.

"Nakita mo ba si Kath?" tanong ni Sue

"Nawawala rin si Kath?" hinihingal na tanong ni Seth na kararating lang kasama ang iba.

"Oo. Akala namin papasok siya kanina pero ngayong uwian na, wala pa rin siya."

"Sabi naman ni kuya kanina, susunduin niya si Kath pero 'yun nga, wala. Hindi siya pumasok."

"Ano bang nangyari sa dalawang 'yun?"

****

Kath's POV

"Damn you!"

"Damn you rin!"

"Ang ingay mo!"

"Parang ikaw hindi!"

"Manahimik ka nga!"

"Manahimik ka rin!"

"Lagyan niyo nga ng tape 'yang bibig niya! Bilis!"

Agad namang tumalima ang mga tauhan niya. Ngunit bago pa sila makalapit sa akin eh sinipa ko sila.

"Lalagyan niyo ako o kayo ang lalagyan ko?"

Natakot naman sila at umalis.

"Sa tingin mo, sino ang sinunod sa ating dalawa?" mapang-asar kong sabi sa kanya.

"Tahimik!"

"Mukha mo!"

"Ano ba?!"

"Bakit niyo ba ako pinadala dito? May usapan tayo 'di ba? Sa February pa 'di ba? January pa ngayon. Hindi ba kayo marunong tumingin sa kalendaryo?"

Nag-alab naman ang mga mata niya sa galit.

"Ano bang pake mo?!"

"Malaki. May usapan tayo. Ang usapan ay usapan."

"Oh? Pwede naming sirain 'yun at gumawa ng panibago." She smirked.

"At ano naman ang mapapala niyo?"

"Ang maaga mong pagkamatay."

Napangisi ako. "Go on. As if you could kill me. Tignan mo nga ngayon. Wala akong kung ano-anong tali sa katawan. Malaya akong nakakagalaw. Mas malakas pa ako sa'yo. Ano, laban tayo?"

She gritted her teeth.

"Ano?" panghahamon ko

Walang pag-aalinlangan niya akong sinungod ngunit umiwas lang ako sa kanya. Pinaulanan niya ako ng mga suntok ngunit hindi niya ako natatamaan. Sinubukan niya akong sipain ngunit hinawakan ko lang ang paa niyang isisipa sana sa akin at ibinalibag siya. Napamura naman siya sa sakit.

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon