Chapter 23

4.1K 85 0
                                    

Chapter 23



Julia's POV



Why does it have to be a school day today? But at least, Friday ngayon. Ibig sabihin, Saturday bukas!


"Heyow!" bati ni Miles na may abot-tenga na ngiti pagdating ko sa loob ng classroom namin


"Ang hyper mo at ngayon? Ano nangyari?" Bigla namang sumulpot si Sue out of nowhere. Ito talagang isang 'to, parang kabute paminsan-minsan eh. Tsk.


"Ba't ba para kang kabute minsan, Sue?"


Tumawa lang sa akin si Sue.


Nilingon naman namin si Miles na abot-tenga pa rin ang ngiti.


"Anong nangyari sa'yo, bruha?"


Marahan naman niya akong sinapak sa braso. "Maka-bruha naman ito oh." Ngumiti ulit siya. Confirmed. Baliw na siya. Kailangan na namin siyang dalhin sa mental hospital.


"'Te, nagmumukha ka nang baliw dahil diyan sa pa-ngiti-ngiti mo," komento ni Sue.


"Okay lang," may ngiti sa mga labi na sabi ni Miles.


"So okay lang sa'yo na dalhin ka namin sa isang mental hospital ngayon?" Sinapak niya ulit ako.


"'Wag ka nga! Lakas mong maka-sira ng mood."


"'To naman, parang nagbibiro lang eh. Hahaha!"


"Ano ba kasing nangyari, Miles at ganyan ka nalang kung ngumiti. Nakakatakot ka na," sabi na Sue kaya napatawa ako.


Umupo naman siya sa upuan niya. Kinuha namin 'yung mga upuan namin, iniharap ang mga 'yun sa kanya saka kami naupo.


"So, what's the catch?" Ngumiti ulit siya. Gosh, she's getting creepy.


Binatukan siya ni Sue. "Huy! Tigil-tigilan mo nga 'yang pag-ngiti-ngiti mo diyan. Para ka na talagang baliw."


"Eto na nga 'di ba? Magkwekwento na," sabi niya at ngumiti ulit. She's being creepy Miles today. Gosh.


"Ganito kasi 'yan. Nagcommute lang ako kanina." Kumunot ang mga noo namin ni Sue.


"Nagcommute ka? Akala ko ba ayaw mong nagco-commute tuwing umaga dahil nagiging haggard ka?" Ang arte rin ng isang 'to eh. Ayaw niya 'yun? Fresh air? Gosh.


"Wala lang. Gusto ko lang i-try na magcommute tuwing umaga. Wala eh. Umandar na naman ang curiosity ko."

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon