Chapter 35

3K 63 14
                                    

Chapter 35

Kath's POV

"Gusto mo bang magpakamatay ha?!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Ano ba naman kayo, Juls. Konting pasa at galos lang 'to oh."

"Kahit na!"

I pouted.

"Eh, Kathy girl, ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote mo at pumunta ka sa Lair nang mag-isa at nanghamon ng isang malaking grupo?"

Nag-iba naman agad ang mood ko nang maalala ko ulit ang ginawa niya kanina.

"Wala ka nang paki doon," malamig kong sagot at umakyat na sa kwarto ko.

Narinig ko silang tatlo na katok nang katok sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko sila pinapansin. Ginamot ko ang sarili ko at nagpalit ng damit.

Nang matapos na ako ay hindi ko na naririnig ang pagkalabog ng pinto ko. Napabuntong hininga ako at tumungo sa veranda. Ipinatong ko ang aking mga braso sa railings at dinama ang malamig na paghampas ng hangin.

Kanina, masaya kaming namamasyal sa mall. Naglaro pa nga kami sa malapit na amusement park. Nagsasaya, nagtatawan, nagkukulitan kami kanina. It was a date. After nung Valentine's Day, which was 7 days ago, ay back to normal ulit kami. Left and right ang lakad. At isa na 'yung date namin kanina. 'Yun nga lang, may sumira. It was almost a perfect day, well, almost if it wasn't for that b****.

"Doon tayo, Daniel! Dali!" excited kong sabi habang tinuturo ang isang ride.

"Hindi ka pa ba napapagod o nahihilo man lang?" medyo nasusuka niyang tanong. Hawak-hawak niya pa ang ulo niya.

"Ano ka ba naman, Danjo? Minsan na nga lang 'to, aayaw ka pa?"

Bigla namang nagliwanag ang mukha.

"Anong problema mo?" nagtataka kong tanong.

Umiling lang siya. "Tara na. Gusto mong sumakay doon 'di ba kaya tara na!" Hinila na niya ako nang may ngiti sa kanyang mga labi.

Anong problema ng isang 'to at nagbago bigla ang mood?

Nagkwekwentuhan kami habang naglalalad patungo sa ride na 'yun nang mapatigil kami.

"Oh, hi, DJ!" At hinalikan niya si Daniel sa pisngi.

Napakuyom ang kaliwa kong kamay at kumulo agad ang dugo ko nang makita ko ang babaeng ito. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Daniel kaya napatingin siya sa akin na may pag-aalala. Dahil doon, napatingin din sa amin ang babae.

Gulat naman siyang napatingin sa akin. "Oh, sorry. I didn't see you there. Sorry. That's just how I greet my friends."

Tumango nalang ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti na may iba pang kahulugan. Oh how I'd love to punch her face right now.

"Uh, Zhai. Mauuna na kami," singit ni Daniel.

Paalis na sana kami nang sumabat ulit siya. Isa nalang talaga at masasapak ko na ang pagmumukha ng isang 'to.

"Uh, Daniel. Would you mind dropping by later? You see, my mother wants to see you."

Tumingin muna sa akin si Daniel. Nginitian ko lang siya. Sino ba naman ako para diktahan siya?

Tumango lang siya kay Zhai at hinila na ako paalis. Ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa namin nang sumabat ulit siya kaya naman hindi na ako nakapagpigil.

That Nerd Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon