"Nakaka inis naman Skie, wala si Prof kahapon tapos ngayon weekend, ugh! Nakakainis!" Inis na inis akong nag lalampisay sa kama. Kavideocall ko si Skie, nakain sya ng meryenda habang nag lilinis ng kuko nya. "Skie! Gumawa kanaman ng paraan! Gusto ko mag kathrill ang buhay ko, bago ako matali sa taong hindi ko naman mahal!" Inis na inis na saad ko.
Nag isip naman si Skie. "Uhm---isama ko nalang dito si Raquel mukhang may alam yun." Saad nito, napangiwi ako sabay yakap ng unan. "Hi ate Kamusta? Kakagising ko la---Ate? Anong nangyari sayo? Kakagising nyo parin po ba?" Inosenteng saad ni Raquel sa akin.
Ngumuso naman ako. "Raquel gusto kung maka usap si Prof, anong pwede kung gawin?" Nakangusong saad ko, nag isip ito. Umabot sa limang minuto ang pag iisip nya, walang kurap kaming nakatitig ni Skie sakanya. "Are you alive Raquel? Nahinga kapaba?" Taka kung tanong.
Tumawa ito. "Oo naman ate, may na isip na pala ako Ate." Agad akong napangiti. "Ano ang na isip mo Quel? Please tell me!" Ngiting ngiti na saad ko. Nag sign sya ng sandali bago may kinuha sa kabinet nya sa gilid.
Napataas ang kilay namin ni Skie nung makita syang may hawak na ng cellphone. "Ano yan? Anong gagawin dyan Quel?" Nakangiwing tanong ko tumango naman si Skie sabay subo ng cake sa gilid nya. "Kumuha ka ng phone Ate, dali!" Nakangiwi akong tumango.
Kinuha ko yung Iphone sa gilid at winagayway ito. "Tapos isearch mo sa Fb si Prof Zyair, search mo Ate Mykel Zyair Cree, yan pangalan nya." Tumango tango ako rito. Sinearch ko yung pangalan ni Prof pinakita ko kay Raquel yung profile ni Prof Zyair.
"Ito bayon? Parang napaka private naman ni Prof." Nakangiwing saad ko. "Yan yun Ate, iadd mo sya tapos punta kanaman sa instagram, search mo MykelZyair tapos ifollow mo sya." Tumango tango ako rito ginawa ko ang sinabi nya.
"Tapos anong sunod?" Tanong ko dito habang tinitingnan ang mga post ni Prof Zyair. Napangiwi lang ako nung makitang puro pang mathematicians lang ang makakaintindi ng mga post nya, tsk! Gusto ko sanang mag comment pero wala naman akong alam sa math, sa iba nalang akong mag papansin.
"I-message mo sya Ate yun lang, sigeh na maliligo na ako." Napatulala ako at tiningnan ang direct message, tumango tango ako kay Raquel. "Salamat Quel, leave na ako Skie! May alam na akong gagawin ko HAHAHA!" Malakas akong tumawa bago sinara ang laptop.
Ang bobo ko rin ano? Bakit hindi ko na isipang ichat si Prof Zyair, ang sabi nya ay huwag daw syang imemessage sa Fb kasi daw hindi sya roon updated, buti nalang narinig ko yun, nag seselpon kasi ako nung time nayon, eh.
Ngumisi ako at nag simulang mag tipa, sana naman mag reply sa DM ko si Prof. Nag send ako sakanya ng aso na emoji pag katapos ay sinundan ko yun ng message. [Sorry Prof na ligaw aso namin] nag pipigil ako ng tawa habang nag titipa.
Parang gusto kung humiyaw nung makita ko na nag tatype si Prof Zyair. Yung may tatlong tuldok! Iba ibig sabihin nun typing?! Omg bakit ganto ang nararamdaman ko? Feel ko isa akong high school student na nag aabang ng message ng crush ko.
Tama naman yun, nag aabang ako ng message pero hindi ako high school, college na ako hehe.
[?] Natawa ako ng mahina nung makita ko ang message nya. Agad nanaman akong nag tipa ng pani bagong message. "Prof? Nasa tamang convo ba ako o sa tamang tao?" Nakangiting saad ko habang nag titipa, senend ko yun sakanya.
Ilang segundo lang ay agad itong nag reply. [Ms. Philomena pati dito panaman? Pwede bang patahimikin mo muna ang buhay ko kahit ngayon lang?] Natawa ako nung mabasa ang message nya.
Kahit hindi ko nakikita si Prof Zyair, mukhang naka kunot nanaman ang nuo nun o seryosong nakatingin sa phone HAHAHA. Sarap ni Prof halikan, shit. Nag kicringe ako HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Her Seductive Way
RomanceWhat if you find someone you like? Yung tipong una mo palang syang nakita may gusto kana agad sakanya? And you dreamed that one day he will be with you, but what if you find out that he is your new professor? What will you do? Will you continue to l...