Chapter 29

1.9K 56 35
                                    

"TALAGA PO LIEUTENANT? Sana po ay maging maayos na sila!" Tuwang tuwa na saad ko nung balitaan ni Lieutenant ako na nahanap na ang iba naming kasama. Nag sama sama pala sila sa isang isla, buti naman ay hindi malala ang nang yaring sakanila.

"I'll update you Ms. Philomena kung naka labas na sila." Nag paalam lang ako kay Lieutenant bago binaba ang tawag. Nakangiti akong lumapit sa mahal ko, yumakap ako sa braso nya, may ginagawa sya sa laptop nya na hindi ko naman maintindihan kung ano yun.

"Wait a minute love, malapit na akong matapos." Malambing na saad nito. Nakangiti lang akong tumango sakanya, sinandal ko ang ulo ko sa braso nya habang nakatingin sa screen ng laptop.

Simula nung lumabas kami sa bahay nayon ay sinimulan na namin ang pag gawa ng mga memories na mag kasama kami. Pangatlong araw ang araw na ito balak naming pumunta sa Cavite, meron sila doong lupa, bibisitahin din namin ang lola nya.

Ang unang araw namin ay pumunta kami sa Laguna, kaming dalawa lang nag swimming sa falls, isa yun sa araw na hindi ko makakalimutan. Ang pangalawa naman ay pumunta kami sa Taguig, namasyal kami sa Venice ng Taguig sa Mc Kenley hills.

At ngayon hindi ko alam ang mang yayari, bibisitahin namin ang lola nya. Sana ay hindi ako sungitan o ipag taboy ng lola nya. Natatakot ako sa mangyayari sa oras na mag kaharap na kami.

Paano kung agad na tumutol sa amin yung lola nya? Paano kung isumbong kami nito sa mga magulang ni Zyair sa ibang bansa? Paano kung hindi pa natatapos ang araw namin ay hiwalay na kami?

Oo tama kayo, natatakot ako kahit Lola lang yun ni Zyair, because for me, the grandmothers are more matured when it comes to love life, because they are older than our parents.

Hindi lang sa mas matanda sila sa parents natin dahil sa pinag daanan nila nung kabataan nila, nung ikasal sila, nung manganak o nag bubuntis sila, at nung makita nya ang mga apo nya. Mas marami talaga silang pinag daanan kisa sa mga magulang natin.

They also have a lot to go through, unlike our parents, the way they go is gradually, not gradually but for me the elderly or grandmothers are the most matured or serious when it comes to love life.

Another thing I was afraid of was that Zyair's grandmother might not like my behavior, I was afraid that she might notice something bad about me.

I know, I am perfect when it comes for my beauty inside and outside, because that is what people said, but the truth is, I am not perfect, I have a lot of mistakes throughout my being.

"What's bodering you, love?" Bumalik ako sa realidad nung mag salita si Zyair. "H-ha?" Sabog na saad ko, sininghalan nya lang ako bago sinara yung laptop. "T-tapos kana love?" Kuno't nuong tanong ko, tumango ito at hinila na ako patayo.

"Hmm, let's go." Tumango nalang ako sakanya. Kinuha nya yung bag pack na dala ko bago kami lumabas ng condo nya. Napangiwi ako nung todo lingkis nanaman sya sa akin. Nakahawak na sya sa kamay ko, naka hawak pa sya sa bewang ko.

Anong nakain ng lalaking toh? Dati pinapa una nya akong mag lakad, ha? Minsan pa nga ayaw nya akong maka sabay sa pag lalakad kesyo may makaka kita daw sa amin at baka daw mag report sa school.

Btw, kung nag tataka kayo kung bakit kami palaging mag kasama, wala na kasing pasok sa Dewei University, simula kasi nung may mangyaring aksidente ay pinaaga na nila yung sembreak. Ang totoo kasing sembreak ng Dewei ay ngayon.

"Sweet ka ngayon no? Baka habulin kana ng langgam nyan." Sarkastikang saad ko rito. Sininghalan nya lang ulit ako. Nang makarating kami sa kotse ay mabilis rin kaming bumyahe.

Naisipan kung mag tanong habang nasa byahe kami, gusto ko nang ishare yung bumabagabag sa akin dahil baka mabaliw na ako kakaisip ng sagot. "Mabait ba lola mo, love?" Diretsong saad ko. Napatingin sya sa akin bago tumingin sa kalsada.

"Uhmm---marami paring nag hihirap?" Kunot nuong saad nito na ikinataas ng kilay ko. "Anong maraming nag hihirap? Ang tanong ko ay kung mabait ba ang lola mo!" Inis na saad ko tumawa naman ito ng mahina.

"Exsakto lang." Natatawa nitong saad. Napairap naman ako. "Anong sakto lang?! Ano yuny sitsiryang exsakto!" Iritang irita kung saad tinawanan nya lang ako, kaya humagipgip nalang ako sa gilid.

Ayaw kung makipag talo baka bumulwak pa, tsk! Nakakainis naman meron ako ngayon! Ngumuso nalang ako at tumingin sa daan.

"LOVE NANDITO NA tayo." Nakangiting saad ni Zyair. Napalunok naman ako sa sinabi nya, tumingin ako sa labas kaya nakita ko ang isang malaking bahay na kulay, t-teka violet? Bakit violet? Hindi sa panget ang kulay na violet, pero bakit naman violet ang kulay? There are some better colors and unique ones like pink, blue, light green, or even white, but violet is also beautiful, pwede na.

"Love, don't be scared hindi aswang ang lola ko." Natatawang saad ni Zyair habang pailing iling. Inirapan ko sya bago nag patiunang lumabas sa kotse. Bumuntong hininga ako at hinintay si Zyair sa gilid, nang lumabas sya sa kotse ay dala nya na ang bag ko. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang bewang ko.

"Love, feel ko nag tanan tayo." Nakangiwing saad ko, tumawa naman sya ng mahina. "Feel mo lang yun love, pero just feel it." Natatawang saad nito kaya napairap ako. Palagi nya nalang ako binabara, ha? Kung tadyakan ko kaya ang lukong ito!

Ifeel ko daw? Geh, i-fe-feel ko na nag tanan kami. Natawa ako sa na isip ko. "Tapos buntis ako Love, ano kayang sasabihin ng lo---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla nya akong pitikin sa nuo. "ARAY! ANG SAMA MO NAMAN!" Mangiyak ngiyak na saad ko sabay hawak sa nuo.

Nakangiwi lang ang ugok. "Don't try to said that, baka mawalan ako ng lola ng di oras." Sarkastikang saad nito natawa naman ako sakanya. "Iho? Sino ba yang kasama mo? ella es tu novia?" Napataas ang kilay ko nung marinig ko ang maarteng tining nayon.

Dahan dahan akong napatingin sa harap namin, nawala ang pag taas ng kilay ko nung makita ko ang isang matandang bakas parin ang kagandahan nung sya ay dalaga pa. Maganda ito, at basi sa panlabas na anyo ay mataray at masungit ito. Napalunok naman ako.

"S-sya naba yun?" Mahinang bulong ko kay Zyair, sinanggi ko pa ang balikat nya. Tumango naman ito. "Yes mama, this is my girlfriend." Boring na saad ni Zyair na ikinataas ng kilay ko, nang tumingin sa akin yung Lola ni Zyair ay ngumiti ako. Lumapit ako sakanya at akmang kukunin ang kamay nya para mag mano pero bigla nya itong inagaw at pinag taasan ako ng kilay.

"¿Tu padre sabe que tienes novia?" Mataray nitong saad, sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Tumango naman si Zyair at hinawakan ang kamay ko. "Yes mama, ella es la mujer con la que mi papi se casará conmigo." Nakangiting saad ni Zyair na animong nag mamalaki.

Tumango tango ang lola ni Zyair sabay tingin sa akin namay ngiti sa labi, napatikhim pa ako dahil napatulala ako kanina sakanila nung nag uusap sila. Hindi ko kasi maintindihan, eh. Espanyol yata yun o italian! Ah basta I don't know what their talking about!

"Pasensya kana iha kung hindi kita nakilala, akala ko ay babae ka ng aking apo kaya kita nasungitan." Natatawang saad nito napangiti ako nung hawakan ng lola ni Zyair ang kabilang kamay ko bago ako gayahin papasok. "Akala ko kasi ay tinanan kanya dahil buntis ka, haha! Naalala ko tuloy ang aking kabataan nung ipanganak ko ang aking kambal." Pailing iling na saad ni Lola, ngumiti lang ako sakanya.

Gusto ko sanang asarin si Zyair dahil ganon din pala ang iniisip ng lola nya pero wala yun sa tamang oras siguro sya kanalang. Nang maka upo kami sa isang couch ay nilibot ko ang paningin ko sa bahay, malaki ito, may second floor at puno ng mga antique.

"Iha, huwag kang mahiyang mag salita, kung ikaw ay may kailangan sabihin mo, lang, ha?" Nakangiting saad nung lola ni Zyair tumango ako rito. "Opo." Yun lang ang sinabi ko rito dahil hindi ko naman alam ang pangalan ng lola ni Zyair, hindi naman sinasabi ng ugok na ito, eh.

Tumingin ang lola ni Zyair kay Zyair. "Ikaw bata ka, alagaan mo ang iyung magiging hermosa? O sya, mag didilig pa ako ng aking mga halaman, mauna na muna ako, mag pahinga muna kayo sa taas." Tinaas ng lola ni Zyair ang hawak nyang pandilig sa halaman tumango naman kami.

Bago lumabas ang lola ni Zyair ay may sinabi ito na nag pamula sa mukha ko. "Mag pahinga lang, ha? Wala dapat akong maririnig na kalabog sa baba!"

****

Ey? Ilang araw walang update HAHAHA! It's 8:22 am na ng January 25, 2021! Hindi parin nagawa ng module HAHAHA

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon