Chapter 12

2.4K 79 14
                                    

Hindi ko alam kung saan ba ako matutuwa, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nag first place kami sa pageant o dahil nag kaayos kami ni Prof Zyair. Nag away ba kami para mag kaayos kami? Tsk. Krazy Lorelei.

Gusto kung isipin na parehas kaming dalawang nag seselusan pero mukhang hindi naman ganon yun, because I'm the only one jealous, at ako lang naman ang may gusto sakanya. Yes, I admit that I like him, but hindi ganon kalalim, I mean is hindi pa sya love. Crush yata?

So habang hindi pa sya love, iiwasan kung mangyari yun, dahil alam ko na sa dulo ay ako parin ang talo. Ako ang uuwi na luhaan kung mangyari yun. At mukhang ako na ang pinaka kawawa sa buong mundo kung mangyari ang bagay nayon.

You know why? Dahil nag mahal ako sa isang tao na sa una palang wala nang love na natatawag, dahil sa una palang ay sapilitan na ito. Diba may kasabihan nga tayo na kapag mabilisan mong nakuha? Mabilis ding na alis?

At saka ayokong makulong ako sa isang tao na may mahal akong iba. I'm getting married like him, we are both have a fiance. At mukhang hindi kami parehas na sitwasyon. Kahit sabihin nyang wala syang pakialam sa babaeng papakasalan nya.

Nakikita ko naman sa mata nya ang kislap na hindi ko nakikita kapag kausap nya ako. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi kagaya nya ay wala akong gusto o kahit isang pag tingin sa ipapakasal sa akin.

I want to leave my life, I want to escape my life, because I'm very tired, pagod na pagod na ako sa lahat. Gusto ko nang makaalis sa hawla na kinulungan ko simula pa bata pa ako. Gusto ko rin maranasan ang mga bagay na walang limitasyon. I want to be free, against the world.

"Are you okey? What is bothering you?" Bumalik ako sa realidad nung may mag salita sa likod ko. Nang tumingin ako rito ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Prof Zyair. "A-Ah, wala." Saad ko sabay iwas ng tingin.

Kakatapos lang ng last day ng The Weak pero ni isa sa mga both ay wala akong napasukan o napuntahan dahil ang palagi lang na napupuntahan ko ay ang stage, puro practice kasi ako pero worth it naman ang pinag hirapan. Nandito nga pala ako sa parking lot hinihintay ko ang sundo ko.

"Really? Mukhang may bumabagabag sayo, eh." Tiningnan nya pa ako ng napaka seryoso. Bumuntong hininga ako ng napaka lalim. "Pagod lang Prof, wala nga akong oras para landiin ka, eh." Saad ko kay Prof sabay kindat bago tumawa.

Lalo akong napangiti nung makita ko syang natawa rin. Hinampas ko ang braso nya na hindi kalakasan. "Ikaw Prof, ah! Nag lelevel up kana! Dati seryoso kalang pero ngayon natawa kana." Pang aasar ko napangiwi ako nung bumalik sa seryoso ang mukha ni Prof.

"Ay! Joke lang naman yun, eh!" Nakangusong saad ko. Ngumiti lang sya at tinap yung ulo ko. "Good night, Lorelei." Saad nya na ikinagulat ko. Parang may mga kabayong nag tatakbuhan sa puso ko nung sabihin nya yun.

Bumalik lang ako sa realidad nung dumating na yung driver ko. Ngumiti nalang ako sakanya ng awkward bago tumakbo papasok sa kotse. Nang makapasok ako ay sunod sunod kung sinampal ang pisnge ko.

"Ma'am bat kayo namumula?" Kunot nuong tanong nung driver napataas ang kilay ko sa tanong nya, dahan dahan akong napatingin sa rearview nanlaki ang mata ko nung makita kung pulang pula nga ang mukha ko. Shit, bakit nga ba ako namumula? Bat ba ako nag kakaganto?

PAG KAMULAT KO PALANG ng aking mata ay agad na akong bumalikwas ng tayo at hinanap ko ang phone ko. Kahit malabo labo pa ang paningin ko ay pumunta na agad ako sa Apps ng instagram. Pumunta ako sa direct message, habang tinatanggal ko ang muta ko.

Sinearch ko yung name ni Prof Zyair at pinindot yun. Napangiti ako nung maalalang nag kaayos na kami, bumuntong hininga muna ako habang may ngiti sa labi bago nag tipa sa keyboard. [Good Morning Prof, kainin mo na ako, este kain kana agad okey?] Nakangiti ko yung sinend.

Hindi panaman sya online kaya mamaya nya payon mababasa. Nilagay ko sa dibdib ko yung cellphone saka ko pinikit ang mata ko. Mukhang tulog payata yu---AY BAYAG NI PROF! Napahawak ako sa puso ko nung biglang tumonog yung phone ko.

Nang tingnan ko ang screen ay nanlaki ang mata ko nung makita ang pangalan ni Prof Zyair. Agad ko yung sinagot, video call yun kaya nakita ko agad ang gwapong mukha ni Prof Zyair na bagong gising.

[Did you sleep? 5 palang gising kana] Nagulat ako sa sinabi nya tiningnan ko yung oras. Napakagat ako sa labi nung mag pafive palang. Alas tres kasi kami naka labas ng school bali alas kwatro narin ako nakatulog, mukhang hindi pa tulog ang tawag don kung hindi idlip.

"A-Ah ano kasi, eh." Kumamot pa ako sa ulo ko. [Tsk, miss mo nanaman ako?] Natatawang saad ni Prof Zyair hindi ko alam kung nag bibiro ba sya don o ano. Seryoso na natatawa kasi ang mukha nya, eh. Tumawa ako ng peke kahit ang totoo ay parang gusto ko nang mag lumpasay sa kilig.

"Oo nga Prof, eh. Miss na kita, miss mo rin ba ako?" Parang batang tanong ko. Nakita ko ang pag mulat ng mata nya nang mag tama ang tingin namin ay lalo nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang hindi na normal ito, ha. Parang may sakit na ako sa puso, I need to go in the hospital para makapag pa check up ako.

"Hmm, go her, sabay tayong mag lunch." Parang huminto ang mundo ko sa sinabi nya, parang may kung anong bagay ang gustong mag sisigaw sa katawan ko pero pinigilan ko. Ngumiti ako sakanya ng matamis. "Okey, I'll be there, pag kadating ko dyan dapat naka handa kana Prof, kasi ikaw ang lunch ko." Nakangising saad ko kay Prof Zyair sabay kindat. Napailing iling nalang ito.

Shit. Lalo yata akong nafafall. Malala kana Lore!


***

At dito nanaman mag tatapos ang kalandian ni Lorelei, it's 11:41 am na ng January 16, 2021! Comment down below kung habang nag wawattpad ka ginagawa mo din ang module mo HAHAHA! It's Saturday! Have a good saturday moon's!

Her Seductive Way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon