CASSANDRA's PoV
BAGO sumapit ang lunes ay nakauwi na kami sa QC, masaya ang lahat na umuwi dahil may ikakasal na sa pamilyang Myvien.
Pumasok kami nung Lunes at nag-umpisa na ang pag-eensayo namin nang sayaw para sa Music Fest, pero sa DT lang wala pa kay Miss Arricaya. Hindi naman sya kabado nang sabihin nyang hindi muna kami makakapag-ensayo kaya alam kong ayos lang ang lahat.
Hanggang ngayon, bulong-bulongan padin ang sinabi ko na ex ko nga si Justine, ang pinsan nang may-ari nang eskwelahang pinasukan ko.
'Malay ko ba?'
Merong hindi gusto na makita si Justine na malungkot daw dahil sakin, merong hindi naniniwala, merong galit na galit sakin at meron ding naiingit.
'Geh lang, kung kayong lokohin tignan natin kung maiingit pa kayo.'
Maayos naman ang pagiging pagkaibigan namin ni Bakugo, hindi pa naman nasisira at mukang hindi alam nang jowa nitong Bakugo natoh.
Nasa cafeteria kamo ngayon at kumakain nang lunch namin. Medyo pagod kaming anim dahil sa pag-eensayo nang sayaw sa DT.
"Here. Drink this." binigyan ako ni Vj nang energy drink maya ininom ko yun. Merong mga pagkain sa harapan namin kaya yung apat nagsimula na habang si Vj ay panay ang tingin sa kalagayan ko na para bang may sakit ako.
"Kumain kana." ani ko at pilit syang tumango at nagsimulang kumain.
Kinuha ko nadin ang kutsara at tinidor na nasa harapan ko at nagsimulang kainin ang kanin na nasa harapan at ang ulan na sinigang na baboy at vegetable salad.
Magana kaming kumain nang lumapit bigla ang grupo ni Bakugo samin. Napahinto kaming lahat sa pagnguya at nag-angat nang tingin.
"Hi, sweetheart."
"Hi!"
"Hi, baby.."
"Hello.."
"Pwede ba kaming maki-upo??" tanong ni Mike at wala kaming nagawa kundi ang tumango.
Tumabi sakin sina Casper at Dwayne. Inalok nila sakin ang mga pagkain nila pero umiling lang ako.
"Kamusta ang bakasyon nyo?" tanong ni Will kina Mae at Yassy.
"Masaya naman kaso may nangyari di inaasahan eh nung naglaro kami."
Sabay kaming nabulunan ni Bakugo nang banggitin ni Yassy ang salitang laro at nagpalitan din kami nang tingin.
"Oh? are you okay?" tanong ni Dwayne.
"I'm..." lumunok ako. "fine."
"King?? anong nangyare??"
"W-Wala!"
"Galit ka?!"
"Hindi." nag-iwas nang tingin sa Bakugo at ganun din ako.
"Bakit?? anong nangyare ba sa laro nyo?"
"Ba't kaba nagtatanong??" may halong inis na sabi ni Bakugo kay Will na nagulat din.
Naiintindihan kung kinakabahan nya dahil ako din naman pero parang iba ngayon ang inis nya, merong dalawang dahilanh, una dahil natatakot syang malaman nila na nag kiss kami at makarating kay Jana at ang ikalawa ay wala ngayon si Jana sa tabi nya.
"Nagtatanong lang naman ako." nakangusong sabi ni Will pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi nya habang nakatingin samin dalawa.