CHAPTER 37

233 8 0
                                    

XANDER's PoV

MAAGA palang ay andito na kaming lahat sa gymnasium dahila ng sabi ni dean ay may mabilis na celebration lang daw

Nasa stage kami ngayon habang nasa likod namin ang malaking tarp na may mga muka naming apat kahit wala dito si cheno

Ang pic nayun ay yung time na nagpapicture kami sa bahay ni uraraka

Kanina pa masama ang timple ni jana simula nang makita nya ang litrato nayan

Hindi ko sya masuyo kase nasa taas ako at nasa baba naman sya

Dumating nadin kanina si uraraka at ngayon nasa tabi na ni will

Pinanggigitnaan namin ni uraraka si will at katabi ko si coach

"Coach,saan mo naman nakuha ang picture nayan??" Tanong ko

"Si will ang nagsend saakin nyan kaya yan nalang ang ginamit ko"

Napasapo ako nang noo bago bumaling kay will na nakangiti lang sa baba

"Mag-uusap ta'yo mamaya".sabi ko gamit ang malamig na tono

Napatigil nang kaunti si will dahil tumigil sa sa pagkaway

"K-king??"

"Mag-uusap ta'yo,will..patay ka sakin"

"Heheheheh..peace"

Hindi ko na sya pinansin at tumingin nalang kay jana pero iniwas nya lang ang tingin nya

'Badtrip'

"GOODMORNING VIEN INTERNATIONAL UNIVERSITY!!!!" Maya maya'y sabi nang MC

"GOODMORNING!!"

"WOOOOOHHHH"

"WAAAAAHHH"

Madaming sinabi ang mc tungkol sa naganap na laro ay hindi ko na pinakinggan dahil wala ako sa mood

Dumating si grangrandpa para isabit ang mga medals namin at ang nagpapicture

"1..2..3...smile" sabi nang photographer

Ngumiti nalang ako para matapos na..

Madami pang naganap na pagkuha nang litrato hanggang sa magpaalam si dean,grangradpa

Ngayon ay paalis na kami nang gymnasium nang biglang may madinig kaming sagutan sa batibot

"Masyado kaseng mayabang,uraraka..akala mo kaya mong itago nang panghabang buhay ang sekreto mo" sabi nang babaeng naka crossarm sa harap nang magkakaibigan kasama ang kambal

"Si cassey yun ah" turo ni mike at lumapit sa kanila

Wala kaming nagawa kundi lumapit nalang din doon

CASSANDRA's PoV

"Masyado kaseng mayabang,uraraka..akala mo kaya mong itago nang panghabang buhay ang sekreto mo" sabi nang babaeng biglang humarang saamin

Walang sumagot sa kanya kaya nagsalita pa sya

"Masyadong matatalino ang mga tao dito sa V.I.U para dyang sa sekreto mo...grabe, siguro nahihiya na yang butler mo dahil ginawa ka nyang boyfriend"

Hindi padin ako sumagot sa kanya

"Sabi nga nila walang sekretong nabubunyag—"

"Ano bang mga utak ang meron kayo para ganun nalang kalaki ang pag ka interesado nyo saakin" sabat ko na sa kanya "Eh ano naman kung nagsinungaling ako sa inyo??..close ba ta'yo para mag reklamo kayong lahat saakin??"

I'm Inlove With A Princess | Season One |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon