CHAPTER 32

266 13 3
                                    

XANDER's PoV

KANINA nang si uraraka ang nagmineobra nang yate ay hindi ko maiwasang kabahan kase sobrang bata pa nya para magmaneho nang isang yate pero nang makadaong kami ay humanga ako sa sobrang galing nya

Si will ngayon ang nasa gitna at maglalaro nang ikalawa nyang laban

Nakamasid lang kaming lahat sa kanya habang tumitira at mukang mananalo ang loko kase pulos gitna ang natitira nya

Katabi ko sa upuan ay si cheno at si jorien

Tahimik kaming lahat na nakaupo dito sa bleachers at pinanunuod lang si will

Bigla akong napatingin sa kaliwa ko at nahagip agad nang mata ko ang leeg ni uraraka

Hindi ko makita ang peklat nya pero naalala ko naman ang mga pinanggagawa ko kagabi

'Badtrip,sinaniban ata ako kahapon kaya ko nahaplos ang leeg ni uraraka'

Hindi sya magaspang sa balat ko nang haplusin ko ang peklat nyang yun at nagpapasalamat talaga ako na hindi sya nagising sa ginawa ko

Pero hindi ko maiwasang may naramdaman akong kakaiba habang hinahaplos ko iyun

Para bang iyun na ang pinakamahalagang nahaplusan ko buong buhay ko

Na para bang pagnasira ko iyun ay kamatayan ang irarapat na parusa saakin

Bumuntong hininga ako bago naalala ang text na nabasa ko kagabi galing kay jana

~~~FLASHBACK~~~

Nasa kwarto na ako ngayon at balak ko nang matulog kase lagpas ala una na at kailangan ko nang magpahinga

Kakatapos ko lang maligo at handa na para sumampa sa kama ko nang tumunog ang message tone ni jana sa phone ko

Umupo ako sa kama ko at binuksan ang phone ko

'From:Jana

Sweety, alam na nang buong V.I.U na hindi talaga boyfriend ni uraraka ang jorien nayan and guess what??..lahat sila galit kay uraraka and they even bullied her friends..HAHAHAHA'

Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit

~~~END OF FLASHBACK~~~

Hindi na ko nagawang mag reply sa text nya kagabi

Nang malaman ko din kay ron na binubully talaga nang mga estudyante sina chicken ay nadagdagan ang nararamdaman kong kaba

Tama nga si will, ibubully nga talaga nang lahat nang mga estudyante sina uraraka at kasalan ko iyun

Natatakot ako kung anong mangyayari sa kanya lalo na't hindi pa magaling si uraraka dahil sa paglakahimatay nya

Nalaman din namin sa butler nya na may maliit syang sugat sa ulo sa dahil sa pagkakauntog nya

"CONGRATULATIONS,MR.WONG OF QUEZON!!!!!" Napabalik ako sa reyalidad nang biglang umingay anh buong paligid ko

Lahat sila ay nagpalakpakan at naghihiyawan dahil sa pagkapanalo ni will

Pilit kong iniwaksi ang laman nang isipan ko at ngumiti dahil papalapit na si will dito sa pwesto namin

I'm Inlove With A Princess | Season One |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon