Bagong Simula

1 1 0
                                    

“Hindi ko kaya.”
Yan ang lagi kong dahilan para di tumigil.
Pero kaya ko pala.
Ako lang yung pumipigil.

Ilang beses ko ring binalik-balikan,
Yung mga ala-ala, kulitan at lambingan.
Pero napagtanto kong dapat ko nang tigilan.
Kasi ako nalang yung nasasaktan.

Aaminin ko na umiiyak parin ako,
Sa tuwing napapabalik sa isipan ko,
Pero kinakaya ko na at ang dami kong napagtanto.
Masakit man tanggapin pero yun kasi ang totoo.

Tama nga yung kasabihan,
Kailangan mo ng oras para gumaling ang sugat na naiwan.”
Na gaano man kalalim ang sugat ay gagaling din yan.
Na may kaakibat na aral ang iyong napagdaanan.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos na'ko,
Na kaya ko nang tumayo,
Pakiramdam ko namanhid yung puso ko,
Pero binabalik ko na yung dating ako.

Sa totoo lang, hindi madaling gawin.
Hindi rin pwedeng madaliin.
Pero kinakaya ko at patuloy na kakayanin,
Kasi yun talaga ang dapat gawin.

Siguro konting oras pa.
Hindi ko rin naman kasi madadaya,
Dahil sino bang niloloko ko kapag yun ang aking ginawa?
Sarili ko lang rin naman diba?

Malapit ko na ulit mabuo ang sarili ko.
Hindi sila ang dahilan ng pagkabasag ko,
Sa totoo lang, sila pa ang tumulong para muli akong mabuo,
Tinanggap nila ako kahit hindi pa ako buo.

~~~
Minsan sa buhay natin, may darating talagang tao na tutulong sa atin mag grow but hindi ibig sabihin ay mananatili na sya. People come and go. Walang permanente sa mundo kaya habang nandyan pa, huwag mong sayangin ang pagkakataon.

Kaydeil||2021

~~~

Iniwan na nila ako ngayon, oo,
Pero may ginawa sila para ako'y matuto.
Dahil sa kanila, unti-unti kong nakilala ang sarili ko,
Sarili ko na matagal kong itinago.

Hindi ako perpektong tao,
Pero pinilit ko ang sarili ko.
Ayokong maiwan ako,
Kaya yung totoong ako kinailangam kong itago.

Sila lang yung nakakilala sakin.
Kinilala nila yung kaya kong gawin.
Yung atensyon nila di ko kinailangang sa iba'y agawin.
Sa kanila ko nasabi lahat ng gusto kong maamin.

Siguro yun yung dahilan.
Yun yung dahilan kung bakit sobra akong nasaktan.
Kasi kahit alam kong ako yung maiiwan,
Sila parin yung ginawa kong sandigan.

Ang dami dami ko noon na mga siguro.
Ang sakit pala pag alam mo pero itinatanggi mo.
Kailan ba kasi hindi naging masakit ang totoo?
Pero aaminin ko na mas pipiliin ko yun kaysa sa magsikreto.

Ngayon hahakbang na ako pauna.
Hindi na ako lilingon o babalik pa.
Dahil alam kong lahat ng inspirasyon ko ay dala ko na,
Nasa puso ko na ang lagi kong binabalikang mga ala-ala.

Unti unti, ililipat ko na ang pahina.
Kailangan ko na ulit magsimula.
Hindi ko kakalimutan ang mga ala-ala,
Konti nalang, babalik na ang dati kong saya.

Ayoko nang bumalik sa nakaraan.
Alam ko namang wala nang mababago sa kasalukuyan.
Kaya ididiretso na ang tingin sa harapan.
Handa na akong lakarin ang mahabang daanan.

Akin nang tatahakin ang daan
Naiwan ako at hindi na babalikan,
Pero marunong akong tumupad sa pangako kahit pa ito'y nasa nakaraan.
Kaya patuloy akong lalaban.

Paglalaro ng Puso't IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon